1: Zyrone Anthony Silverio

322 9 0
                                    

"First day of school not so cool"

10 years later

Mabilis kong sinarado ang binabasang libro nang marinig na tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa bulsa at nakita na tumatawag pala ang mama.

" Kumusta na ang ipinapagawa ko sa'yo?" Kahit wala siya rito sa harap pero alam kong mariin itong nakatitig sa akin habang walang emosyon ang mukha.

" Don't worry ma. Everything is under control." Narinig ko siyang tumikhim na nagpapahiwatig na hindi siya natutuwa sa sinagot ko.

Inayos ko bahagya ang salamin sa mata. Mukhang wala na naman ito sa mood ngayon. Baka uminom na naman ito.

" Siguraduhin mo lang. Alam mo na ang mangyayari kapag hindi ito naging matagumpay."

Ilang pangungumbinsi pa ang sinabi ko sa kanya upang sa huli mapanatag na ang kanyang loob. Nang maibaba ang telepono ay napabuntong hininga ako.

Unang araw pala ngayon ng pasok sa school. Nasa third year college na ako sa kursong journalism. Halos taon-taon ay palipat-lipat ako ng school. Sana naman ngayong taon makita ko na siya. Sana sa school na ito mahanap ko na siya.

Buong buhay ay wala akong ibang ginawa kundi ang magtago at magpalipat-lipat ng lugar upang hindi matunton ng mga Samaniego.

Hindi ganun kadali ang bumalik sa bayang ito kung saan nagsimula ang lahat. Ang lahat ng kaguluhan ng dalawang angkan.

Halos lahat ng mga tao sa bayang ito alam kung ano ang nangyari sa dalawang angkan na iyon. Kung ano ang ginawa ng mga Samaniego upang hindi na makabalik muli ang mga Silverio ng San Ignacio.

Pero sa ilang taon na pagpaplano at pagtitiis ay tahimik akong nakabalik sa lugar na ito. Umaasahang isang araw maipaghiganti ko ang pamilya mula sa mga Samaniego.

Bata pa lang ako mula ng magka-isip ay itinanim na sa aking isipan ng mama ang ginawa ng mga Samaniego sa pamilya namin. Kung bakit kailangang baguhin namin ang apelido para na rin sa aming kaligtasan.

Walang araw na hindi ipinaalala ng mama na ako ang siyang magiging susi upang makabalik kami rito at mabuhay muli bilang mga Silverio.

At magagawa lang namin 'yun kapag napabagsak na namin ang mga Samaniego na siyang pinakamakapangyarihang pamilya sa bayang ito ngayon.

Naghanda na ako papuntang skul. Habang tinitingnan ang repleksyon sa salamin dito sa aking kwarto ay hindi ko maiwasan na malungkot.

Buong buhay ay inihanda ako sa araw na ito. Halos nabuhay ako nitong mga nakaraang taon para lang sa araw na ito.

Minsan naisip ko rin kung bakit kailangan ko pang gawin ito? Bakit kailangang itali ko ang sarili sa responsibilidad na makapaghiganti sa pamilyang iyon?

Wala akong halos maalala nang mga panahon ng pag-aaway ng dalawang pamilya noon. Bilang bunsong anak ng mga Silverio ay hindi ko matandaan ang mga araw na iyon. Pero ninakaw ng mapait na pangyayaring iyon ang kabataan ko.

Walang araw na hindi ipinaalala sa akin ng mama ang mga nakakagimbal na pangyayari noon sa pamilya namin mula sa kamay ng mga Samaniego. Araw-araw umiiyak siya. Nagmamakaawa sa amin na kunin lahat ng kinuha ng mga Samaniego sa pamilya namin.

Huminga ako ng malalim at pilit na ngumiti sa harap ng salamin.

Nang makababa ng hagdan ay nasimula na akong lumabas ng bahay at nagtuloy-tuloy na sa paglalakad. Malapit lang dito ang eskwelahan namin. Sa San Ignacio State University kung saan makikita ko na sa wakas ang pinakadahilan ng pagbabalik ko rito.

BELLA LUNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon