20: Zyrone Anthony Silverio

139 6 0
                                    

" Kulungan"

It's been one month now, and my wounds are slowly healing. Kahit nakatali ay hindi naman ako pinababayaan ni kuya Tyrone.

I still take my meds and vitamins. Nasa saktong oras din ang kain at paliligo ko. Yun nga lang, nakatali pa rin ako.

Hindi nakakakilos ng malaya.

Kumusta na kaya siya?

Ginawa ba talaga 'yun ni kuya?

I hope she's okay. Sana hindi siya mabaliw. Sana hindi siya sumuko.

Araw-araw ay wala akong ibang inisip kung paano ako makakawala sa lugar na 'to.

Hindi ako pamilyar dito. Hanggang ngayon marami pa rin talaga akong hindi alam sa mga plano ng kuya Tyrone. Katulad nalang ng kastilyong ito.

Siguro na anticipate na niya na kung mag fail 'yung plano namin ay may nakahanda siyang back up plan.

Ngayon na nasa kamay na namin ang totoong Bella Luna at napakalapit na sa tagumpay ng aming paghihiganti, pero bakit hindi ako masaya?

Bakit kailanman hindi ako naging masaya sa nais nilang ipagawa sa'kin?

Buong buhay akong nakakulong sa adhikain na ito. Buong buhay akong pilit kumawala sa kulungan na ito na kung saan ang magtanim ng galit sa mga Samaniego ang siyang pilit ipinaparamdam sa akin.

I want to escape.

Pagod na ako.

Pagod na pagod.

And perhaps when fate is suddenly siding with your favor, then in one instant you got your chance to escape.

Nagulat nalang kasi ako nang biglang nakalas ang kadena na nakatali sa akin. Rumupok kasi ang batong dingding na pinagkabitan nito.

Napaawang ang labi ko isipin na ganun kadali lang 'yun natanggal.

Hindi ko akalain na medyo mahina na pala ang mga batong dingding na 'to.

Tumayo ako at agad na hinanap ang daan palabas.

Ang una agad na pumasok sa'king isipan ay si Jane.

Nasaang kwarto kaya siya dinala ng kuya?

May nakita akong isang kwarto sa dulo. Lumapit ako 'run umaasang makikita siya.

At hindi naman ako nagkamali kasi naabutan ko siyang tulalang nakamasid sa bintana.

Pinagmamasdan ang dagat.

" Jane!"

Mabilis siyang napalingon sa'kin. Napadilat siya nang makilala ako.

" Zyrone!?"

Mabilis siyang napatakbo sa akin at sinalubong agad ako ng yakap.

Niyakap ko siya ng mahigpit. Napapikit ako ng mariin.

Nang kumalas kami sa isa't isa ay nag-aalala ko siyang tiningnan.

Ang laki ng ibinaba ng kanyang timbang. Nangingitim din ang ilalim ng kanyang mga mata. Halatang wala siyang masyadong tulog. Halatang palagi rin siyang umiiyak. Kahit sa stress na kalagayan ay hindi naman nabawasan ang ganda niya.

" Are you okay?"

Naluluha siyang tumingin sa'kin. Parang kinuyumos ang puso kong makita na nagdurusa siya.

Niyakap ko ulit siya.

" Please..help me Zy..tulungan mo akong makatakas dito." Narinig kong saad niya sa kabila ng kanyang mga hikbi.

BELLA LUNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon