" Ending"
Isang malalim na paghinga ang ginawa ko sabay baba sa hawak na inhaler. Huminga pa ako ng isang beses upang tuluyang malanghap ang simoy ng hangin.
Isang malakas na pagbukas ng pinto ang nagpaigking sa'kin at gulat na napaharap sa kung sino ang pumasok.
Natahimik ako nang makita siya.
Sa halos isang buwan na pagmamakaawa sa kanya na pakawalan ako ay tuluyan ng natahimik ang puso ko. Ngayon ko na tanggap ang mapait na katotohanan na walang pag-asa sa sitwasyon kong ito.
Kung hindi ako gagawa ng paraan ay baka sa susunod na araw ang malamig ko ng bangkay ang ipapadala nila sa pamilya ko.
" Trying to escape with my brother is not a good idea, Bella Luna."
Hindi ko siya sinagot at nanatili lang blangko ang ekspresyon ko sa mukha.
Alam kong mas magagalit lang siya kapag nakikita niya sa'kin na hindi na ako natatakot ngayon sa kanya. Mas maiinis lang siya kung nagiging ganito ako ka hindi apektado na sa kanya.
Lumapit siya sa'kin at napayuko naman ako. Hindi siya matingnan ng deretso sa mga mata.
Naramdaman ko ang isa niyang kamay na hinawakan ako sa'king baba upang maiangat ang mukha ko.
Galit akong napatingin sa kanya.
" If you want to kill me now, do it. Just do it." Matigas kong saad sa kanya.
Nakita ko sa kanyang mga mata ang matinding kahungkagan. Tila gusto nitong ipabatid na nalulungkot ito sa sinabi ko.
Bahagya naman akong napakunot nang makita ang kakaibang ekspresyon niya ngayon.
Kung dati puno ito ng galit at paghihiganti ay hindi ko maintindihan kung bakit may pag-aalala na akong napapansin sa kanyang mga titig ngayon.
Is this a part of his evil scheme?
Pinaningkitan ko siya. Puno ng puot ang puso ko ngayon. Tila ang isang buwan na pagkakulong dito ay naghatid 'yun ng panibagong damdamin sa'kin. Kalungkutan, pagkasuklam at matinding sakit.
I have learned that even if how pure and honest you are to the world, but it would still find ways on how to betray you. Testing your fragile heart, and would ruin it without a warning. Sending all the hurt and desperations. That somehow being good all the time does not serves you better in the end.
Hinawakan ko bigla ang isa niyang kamay na nakahawak sa'king baba.
Nakita ko sa kanyang mga mata ang bahagyang pagkagulat sa ginawa ko.
Tumigas ang panga ko at mabilis na hinila 'yun sabay lagay sa'king leeg.
" Kill me." I indulge his hand to envelope it on my neck as if choking me to death.
" Ano pang hinihintay mo? Patayin mo na ako!"
Tears start to pour in my eyes, but I try to hold it. If this would be my ending, I'll better let them kill me now than let them hurt me more and my family.
Everytime he will do again those things with me, letting my family watch and hear my pretense cries, I know they are madly crazy on how to stop it. Even if I am dying to tell them that it's not true, but still these shit of people are not even tired of toying our emotions.
There can't be any great torture in this world than hearing all the pain from those people you love the most.
Kasalanan ko 'to.
Kung hindi lang sana ako naniwala sa kanya.
Kung hindi lang sana ako naging tanga at naawa pa kay Zyrone. Kung sana hinayaan ko nalang ang mga kapatid na pabalikin ako sa ibang bansa. Hindi sana mangyayari 'to.
BINABASA MO ANG
BELLA LUNA
General Fiction( SAVAGE LOVE SERIES 1 ) 'Patayin si Bella Luna Samaniego!' That is what Tyrone instilled to the mind of his younger brother Zyrone Silverio. To kill the youngest and only daughter of the Samaniego family. They have a plan. That plan was crafted eve...