"when freedom is not free"
" Tandaan mo palagi anak, mahal na mahal kita. Kami ng nanay mo."
" Tay, ayoko rito.."
" Anak,. sandali lang 'to. Kapag nakahanap na ako ng pera ay babalikan kita rito. Kukunin ka namin ng nanay mo."
Humihikbi pa rin ang isang batang babae. Hinalikan siya ng kanyang ama sa noo. Pagkatapos ay tumayo na ito at umalis.
Naiwan siya sa isang kwarto na hindi alam kung makakaya niya ba ang mangyayari sa kanya. Sa edad na labing dalawa ay ibenenta siya ng mga magulang sa pamilya Samaniego.
Napakalaki ng pagkakautang ng mga magulang niya sa pamilyang ito. Kaya naman nang hingin ng Don na manirahan siya sa mansyon at magpanggap na bunsong anak nito ay kahit tutol ang mga magulang niya ay wala pa rin nagawa ang mga ito.
May magagawa ba ang isang mahirap laban sa kagustuhan ng makapangyarihang pamilyang 'yun? Kahit tumutol man sila ay wala pa rin naman silang kawala sa mga Samaniego. Kontrolado ng mga ito ang buong bayan.
Walang tigil siya sa pag-iyak. Araw-araw hinihintay niyang dumating ang mga magulang para kunin siya. Araw-araw umaasa siyang tutuparin ng ama ang pinangako.
Pero lumipas ang tatlong taon ni isa sa mga ito walang dumating. Hanggang sa nalaman nalang niya isang araw na parehong nasawi ang mga ito dahil na 'rin sa matinding kahirapan.
Nagkasakit daw ang kanyang ama dahil sa sobrang pagtatrabaho at dahil walang pera panggamot ay hindi na naagapan ang malubha nitong karamdaman. Dahil na rin sa matinding kalungkutan ay ilang buwan makalipas sumunod naman ang kanyang ina.
Hindi niya lubos maisip kung bakit kailangan mangyari 'yun sa kanya. Sa mga magulang niya.
Bakit kailangan niyang isilang sa mundong ito na mahirap? Bakit may mga mayayamang tao na mapang-abuso?
Hustisya? Tsk. Kailanman napakailap 'nun para sa isang mahirap na tao.
Natutunan niya na sa mundong ito, kung hindi ka lalaban ay sa huli pupulutin ka lang sa kangkungan.
"Kuya Brixx? Anong—
Hindi na niya natapos ang sasabihin nang bigla siya nitong kabigin ng yakap at halik. Kahit anong gawin niyang pagpupumiglas ay wala pa rin siyang panama rito.
"Huwag! Tama na!!!"
Sa murang edad ay sapilitang nawasak ang kanyang kainosentehan.
Nang gabing 'yun namatay sa kanyang sarili si Janesis Kate Sombrana.
Umiiyak siya habang tinitingnan ang puno ng dugo niyang panty. Kinuha niya ito at kinuyumos. Sabog na sabog ang kanyang buhok. Habang sobrang nahihirapan ay napasigaw siya ng malakas. Pinaghalong puot at paghihinagpis ang naramdaman niya sa nangyari.
Isinusumpa niya na balang araw magbabayad ang pamilyang ito sa kanya.
Kaya naman kinabukasan nabuhay ang panibagong pagkatao sa kanya. Nabuhay si Bella Luna Samaniego.
Inangkin niya ang pagkataong kailanman hindi niya pinangarap. Sa ilang taon na nakakulong siya sa mga malulupit na kamay ng mga Samaniego ay natutunan niyang maging matatag. Natutunan niyang lumaban at samantalahin ang karangyaang hiram.
Nagpadala siya sa agos ng buhay bilang si Bella Luna Samaniego. Hindi na rin siya nanlaban sa panggagahasa at pang-aabuso ni Brixx sa kanya. Nagpakalunod siya sa sakit at ibinaon sa limot ang totoong nararamdaman.
Hustisya? Kailangan ba niya 'nun? Kailangan ba niya talaga 'yun kung buong buhay natutunan niya na mas mahalaga ang kanyang kalayaan mula 'run.
" Bella Luna. . .
BINABASA MO ANG
BELLA LUNA
General Fiction( SAVAGE LOVE SERIES 1 ) 'Patayin si Bella Luna Samaniego!' That is what Tyrone instilled to the mind of his younger brother Zyrone Silverio. To kill the youngest and only daughter of the Samaniego family. They have a plan. That plan was crafted eve...