Jhean's POV
After two weeks
Covered Court
9:15 am
"Sis, wait... ang bilis mo namang mag-lakad!" reklamo ni Kaye na nasa likod ko.
"I'm in a hurry okay?" Inis na sagot ko. tsk! .
Mabilis kaming naglalakad ngayon sa mahabang hallway papunta sa covered court. Meron kasing symposium and I was assigned to report the annual budget and expenses ng student council and to inform the freshmen about the University's Code of Conduct. Ako na lagi ang gumagawa nito para sigurado. Minsan kasi, 'di nakikinig ang mga estudyante sa PIO namin, kaya ako nalang. Tignan ko lang kung 'di sila makinig.
Nang makapasok kami sa covered court ay halos puno na ang mga upoan pero sobrang ingay na parang palengke ang loob. Naka-akyat na ako sa stage pero maingay pa rin. Di siguro nila alam na andito na ako.
Binigay ko na kay secretary ang flashdrive ko dahil andun ang presentation na ginawa ko. Agad naman niya itong kinuha at in'insert sa laptop niya na naka-connect sa projector.
Habang inaayos niya yun ay lumapit na ako sa podium at kinuha ang wireless microphone. Tinignan ko muna ang loob ng covered court at napansin kong madami din ang nakatayo. Karamihan ay mga lalaki.
"Ehem.. May I have your attention Ladies and Gentlemen" kitang-kita ko ang mabilis na pag-tinginan ng mga estudyante sa gawi ko. Ang ibang mga nasa upuan ay nagsi-ayos na ng upo. Ang iba naman ay parang nag-panic.
Dapat lang, ako ang ang nagsalita eh.
Ayoko mang maging terror sakanila pero kailangan. Lalo na dun sa mga estudyanteng matitigas ang ulo.
"Mr. Alvarro and Mr. Marquez, kindly close the door of the entrance and exit." I'm pertaining to my 2 co-officers na inutosan kong magbantay sa mga pinto.
Naka-ugalian ko nang ipa-sara ang mga entrance at exit ng mga ginaganapan ng symposium pag magsisimula na. Know why? Dahil minsan merong mga antipatikong estudyante na nagpapa-late o pa-VIP ang peg na bigla-biglang pumapasok o lumalabas ng area kahit nagsisimula na ang event.
"Ms. Peralta, can you please hand me down the attendance sheet." sabi ko dun sa tomboy naming Vice-President. Kinuha ko na ang attendance para maparusahan ang mga wala dito. Kasali yun sa rules ko eh.
Nang tignan ko ulit si Ms. Secretary ay nag-ok sign na siya kaya ibinalik ko ang tingin sa audience.
"Good Morning everyone especially to the freshmen. We are all gathered here para ipakita sa inyong lahat ang expenses at budget ng Student Council and also the School Publication and to introduce again the University's Code of Conduct. And in behalf of the Western Ford's Student Council, the School Publication and the University itself, I, Jheanivive Psyche Kastler, the SC President will be your speaker for this meeting." mahabang sabi ko habang inililibot ang tingin ko sa paligid.
Meron mga nagbubulungan at meron ding tahimik na naka-tingin sakin.
"To start, I want all of you to meet my co-officers in the Student Council. They are wearing black t-shirts. Freshmen, kabisaduhin niyo sila dahil madalas niyo silang makikita inside this university."
Nagsi-lingunan naman ang mga estudyante sa mga co-officers ko na nagkalat sa loob ng covered court at kumaway sa mga estudyante. Meron kaming 3 uniforms sa SC. Ako ang nagpa-simula niyan dito sa Campus at inutosan ko silang mag-suot nun pag nasa loob sila ng University. Approved to ng school head kaya walang problema. Para makilala sila ng mga estudyante. Hindi naman yun sa pagmamayabang, kailangan lang kasing maging aware ng mga estudyante na binabantayan sila.
BINABASA MO ANG
FIGHT OR LOVE?
Teen FictionThe story is about Ms. Student Council President and Mr. Fraternity leader.