Irene's POV
Halos tumakbo na ako kakahabol dito kay Prof. De Mesa na 'di man lang ako hinintay.
"Hay naku! Sana maranasan ng mga lalaki na tumakbo suot ang 3-inch heeled shoes."
Tumigil siya at tumingin sakin. "Magsisimula nanaman ba tayo?" halatang inis at pagod ang boses niya.
"We're not yet done! Kaya sana naman, hintayin mo'ko." I screamed and he just "Tsss."
Pareho kaming pagod at stress dahil sa almost 12 hours na pag-attend sa seminar workshop na yun kung saan ay wala kaming ibang ginawa kundi mag-away at magka-sagutan. Eh pa'nong hindi, di siya sumasang-ayon sa mga suggestions ko and, I'm also not agreeing on his suggestions. Halos lahat ng mga ginawa namin ay 3/4 arguments and 1/4 work.
When we reached the parking space kung saan andun ang kotse niya ay agad siyang sumampa sa loob without opening the other for me. Tsk! Hindi talaga kami magkaka-sundo ng isang 'to.
Binuksan ko nalang ang pinto sa tabi ng passenger's seat at saka ako umupo doon. Tinignan ko ang wrist watch ko at pasado 9:50 na ng gabi. My gosh! Uuwi pa kami sa QC galing dito sa Nueva Ecija. Ang haba ng byahe!
"Sa'n tayo unang pupunta? Restaurant o hotel?"
Biglang nag-tayuan ang balahibo ko dahil sa tanong nitong lalaking 'to.
"A-ano? Anong hotel? Anong gagawin natin dun?" sinadya kong lakasan ang pagkakasabi ko kaya kunot nanaman ang noo niya.
"Hindi ka pa ba nakakapunta sa hotel?" ini-insulto niya ba ako?
"O-of course not!"
"Naka-punta ka naman pala tapos magtatanong ka pa kung anong gingawa sa hotel. Tss.." sabi niya saka pina-andar ang kotse niya.
Hayy! Kung di lang nagda-drive ang isang 'to, siguradong nasapak ko na.
"Tss.. kainis ka talagang kausap! Pumupunta ako sa hotel mag-isa, alam mo bang may pagkakaiba yun pag may kasama?" inis na sabi ko. Eh sa nakaka-inis siya!
"Tss.. Bakit, ano ba sa tingin mo ang gagawin natin dun, Ms. Ford?"
Natigilan ako sa tanong ng lalaking 'to. Eh ibinalik niya lang sakin ang tanong ko eh. Talagaaaa!
"Eh kung itanong ko din yan sa'yo, Prof. De Mesa?"
"Ewan ko sa'yo."
"Ewan ko din sa'yo." nakaka-baliw talaga ang ugali ng isang 'to.
Sumandal nalang ako sa upoan at tumingin sa labas ng 'di na siya kumibo. Pagod na pagod na ako, una sa seminar at pangalawa dahil sa mag-hapong pakikipag-debate sa Prof. De Mesa na 'to.
---
"Hoy gising! Andito na tayo!"
Bigla akong napa-mulat dahil sa alingawngaw ng boses ng lalaking nasa tabi ko.
Napa-kamot pa ako sa ulo at tinignan ang labas. Nasa tapat kami ng isang hotel. Bago pa ako tuloyang mag-complain ay iginarahe niya na yun sa parking space. At nung tumigil kami ay agad siyang bumaba.
Tsk! Ba't ba kasi ako naka-tulog?
Habang naglalakad papasok sa hotel ay inunahan ko siya sa paglalakad tapos hinarangan.
"Sandali nga lang kasi, ba't ba kasi tayo andito?"
"Umalis ka nga diyan..." hinawi niya ako tapos nag-lakad siya ulit papunta sa loob at diretso sa info. desk.
"Good evening Sir, Ma'am.." bati nung babae sa desk.
"Good evening, room for two." mabilis na sabi ni Prof. De Mesa kaya natigilan ako.
BINABASA MO ANG
FIGHT OR LOVE?
Teen FictionThe story is about Ms. Student Council President and Mr. Fraternity leader.