CHAPTER 13- FORD'S TURN AND NEW FOLKS

19 2 0
                                    

Andrein's POV

"Weymann ano ba, let go of me!" hiyaw ni Psyche na hila-hila ko.

"Aish! Can't you just shut up for a while?" sigaw ko nung harapin ko siya. Di ko pa rin siya binibitawan.

"Alright. Ano bang problema mo?" she asked.

"That asshole is my problem!" I'm pertaining to Ford. Kamuntikan ko na sana siyang ma'suntok kanina eh.

-FLASHBACK-

"Haha! Sinong tinakot mo?"

Susontokin ko na sana ang tarantadong 'to nang humarang si Psyche sa gitna namin.

"Weymann! Stop it!" Psyche sabay hawak sa braso ko. Tangsh*t! Ba't ba siya nandiyan? Sasampolan ko ang ungas na 'to.

"Umalis ka diyan, Psyche." banta ko. Ngumiti nanaman ang lalaking 'to.

"NO! I'm not going anywhere hanggang di mo itinitigil yan!" tsk! Ang sakit niya sa tenga pag sumisigaw.

"Hindi pa tayo tapos." sabi ko sabay hila kay Psyche. BADTRIP!!

-END OF FLASHBACK-

At dahil badtrip ako dahil sumama sakanya si Psyche, kailangan niyang bumawi sakin. Nyemas! Ako lang ang dapat sinasamahan ni Psyche sa mga ganung bagay.

"Ano bang ginawa sa'yo ni Ford at pino-problema mo siya?"

"Madami! At ikaw, you have to join me on eating my lunch!" hinila ko siya ulit. Papunta na kami sa cafeteria ngayon.

"What?? Kumain na ako sa bahay nila. You heard it right? Busog na ako and I'm not going with you." biglang uminit ang ulo ko kaya isinandal ko siya sa isang pillar dito sa hallway at ikinulong ko siya gamit ang magkabila kong braso sa gilid ng ulo niya.

"Kay Ford sumama ka kanina, sakin hindi? Don't you know na 3 hours akong nag-hintay sa parking space para maka'sabay kita this lunch? I think that's unfair. At hindi ako papayag na tatanggihan mo 'ko. So weather you like it or not, you're coming with me." sabi ko at hinila na siya ulit.

Di ko na din siya narinig na mag-reklamo pagkatapos nun hanggang makarating kami sa cafeteria.

Um-order ako ng 3 rice at 4 na ulam. Si Psyche, binigyan ko ng dessert.

"You're going to eat all of that?" tanong niya.

"Yes, gutom na gutom ako sa paghihintay sa'yo. Tapos malalaman kong kumain ka na pala sa bahay ng gagong yun." sabay subo ko ng kanin at ulam.

"Ba't mo ba kasi ako kailangang hintayin?" napa-tingin ako nang masama sakanya dahil sa tanong niya. Ba't ba ang manhid ng babaing 'to?

"Tss.. You know what, ang talino mo pero ang mga ginagawa ko para sa'yo, di mo agad maintindihan." Aah sh*t! Ba't ko ba nasabi yun?

"Are you insulting me, Weymann?" tsk!

"Here, eat this." inilapit ko sakanya ang kutsara na merong kanin at adobo.

"I said, I'm full. I don't--" isinubo ko na sakanya ang pagkain bago niya pa matapos ang sasabihin niya. Haha! Natigilan siya bigla. Ang ingay niya kasi.

"Simula ngayon, ayaw ko nang makita kang sumasama sa Ford na yun, maliwanag?"

"Who are you to---" sinuboan ko ulit siya. Haha! Ang ganda niya pag naiinis.

FIGHT OR LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon