Kurt's POV
"Anak ng munggo! Antagal namang lumabas ni Supremo sa kwarto. Pati yung dalawang ugok 'di rin lumalabas. Alas syete na ng gabi, di pa ba tayo kakain?" naka-busangot na atungal ni Flux habang hinihimas ang tiyan niya.
"Psh. Ano ba'ng laman niyang tiyan mo 'tol? Eh ikaw nga ang umubos ng mga pag-kain natin kanina sa kotse eh." inis na sumbat ni Denver.
"Oo nga. Tapos ngayon ang lakas pa ng loob mong mag-reklamo. Dapat nga wag ka nang mag-dinner ngayon eh." Zhorenn na kakalabas lang ng banyo.
"Psh! Ang sasama niyo naman. Eh ako naman ang nag-bayad ng gasolina ng kotse nitong si Zhorenn eh." Flux
Napa-iling lang ako. Ang baba-baw ng mga lokong 'to. Pero, bakit nga kaya antagal lumabas nina Supremo?
*BLAG!*BLAG!*BLAG!*
"Ai sh*t!" hahaha! Nagulat si Denver at halos mahulog sa upoan. Pero agad niya namang binuksan.
Bumulaga ang naka-busangot na mga mukha nina Emman at John.
"Oh! Mga 'tol? Ba't antagal niyo lumabas? At bakit ganyan ang mga itsura niyo?" tanong ni Zhorenn sa dalawa nung maka-pasok.
Hindi pa kasi nakakapag-bihis ang dalawa at mukhang antok na antok ang din. Ano kayang nangyari? Haha! Nakaka-tawa ang itsura ng mga 'to.
Humiga si Emman sa kama ko at si John naman ay umupo sa sofa sa tabi ni Zhorenn.
"Badtrip si Supremo eh. Natutulog ako nung biglang marinig ko ang nabasag na bote. Pag-mulat ko, hawak na ni Supremo ang kwelyo nitong si John. Aish! Masakit tuloy ulo ko!" kwento ni Emman.
Nabaling naman ang tingin ko kay John na tulala.. haha!
"Hoy pareng John, anong problema ni Supremo?" tanong ko.
"Di kasi makontak ni Supremo ni Ms. Psyche kanina. Kaya itinapon ang bote ng wine tapos nung tumingin siya sakin, bigla nalang akong ki-nwelyuhan.. Pambihira!
Pffft! Hahaha! Broken hearted si Supremo ganun?
~Riing~ ~Riiingg~
Agad kong binunot ang cellphone ko at sinagot agad ang tawag. Si Supremo. Tsk!
"Supremo--"
"Buy me foods and drinks. And don't dare disturb me after you brought me those here-- and make it a little bit faster."
-toot-toot-
Napa-kamot nalang ako. May attitude problem talaga minsan 'tong si Supremo. Psh!
Itinago ko na ang phone ko at tumayo na. "Flux, Brick, Emman, samahan niyo ako, bili tayo ng pag-kain at inumin ni Supremo."
"Anak ng!/Ano?/Ba't ako?" reklamo nung tatlo.
"Utos ni Supremo to. Bahala kayo diyan!" lumabas na ako at di pa nga ako nakaka-tatlong hakbang ay nauna na yung tatlo sakin sa paglalakad.
Tumakbo ako at ganun din yung tatlo.
Nang makarating na kami sa labas ay..
Umulan ng tela at mga pan-linis. Lahat kami naka-upo sa lapag. Yeah, kaming apat at apat ding...
"Ano ba yan! Tingnan niyo yung ginawa niyo!" sigaw nung isang babae habang tinitiklop yung mga tumilapong tela sa sahig.
Tumayo naman kaming apat at balak sana naming tulongan yung apat na babae pero sinamaan lang kami ng tingin kaya umatras kami.
"Sorry girls, di namin sinasady--"
"Ba't ba kasi ka'yo tumatakbo?" putol nung isa sa sasabihin ko sana.
BINABASA MO ANG
FIGHT OR LOVE?
Novela JuvenilThe story is about Ms. Student Council President and Mr. Fraternity leader.