Zhorenn's POV
"Supremo, nag-txt si John. Andito siya sa location na 'to. Kaso nung tatawagan ko, unattended na." lahat kami napa-tingin kay Denver nung sabihin niya yun habang hawak ang cp niya.
Kinuha ni Psyche ang cp ni Denver at binasa ang naka-sulat dun tapos inagaw naman ni Supremo yun agad.
"Give it back to me, Weymann!"
"Hell no! Kailan ka pa naging Supremo ha, Psyche?"
Napa-kamot nalang ako sa batok. Heto nanaman ang dalawang 'to. Nasa panganib ang mga kasama namin tapos may oras pa silang mag- flip top. Tsk!
"I want to know where Geraldine is so give it back to me."
"Psyche! We can do this alone, alright? At sisiguradohin naming ligtas si Geraldine. I promise. So, you're going to stay here and wait for us, alright?" wow! Superhero si Supremo ah! Magaling!
"What? Maghihintay ako dito? How long? 1 hour? 2 hours? 1 day? 3 days and 1 week? Oh come on! I can't do it! I want to do something!"
"That's what you can do for now, Psyche!"
"But—"
"Kilala namin kung sino'ng kumuha kay Geraldine at Choi at alam din namin ang gagawin so don't bother. We will bring your friend back safe. Just wait for us, okay?"
Tumango lang si Psyche at umiskor pa ng halik sa noo 'tong si Supremo kay Psyche. Aba! Asan ba si Alonna at nang maka-score din?
"Sis! I'm here na!" sh*t! Si Alonna yun—teka, ba't andito ang Funazhear na yan? Kasama din ang kapatid ni John.
Lumapit agad ako kay Alonna at niyakap siya. Tinignan ko lang yung Funazhear na nanlaki ang mata tsaka tinignan ako nang masama sabay hablot sa braso ni Alonna.
"Wait for me, Alonna.. I'll be alright." *wink*
"Ang badoy mo 'tol." Denver.
"Hehe.. Sege, ingat ka Zhorenn." With matching kaway pa galing kay Alonna kaya napa-ngiti ako.
"Tsk! Di pa mamamatay ang isang yan, Alonna." Asungot talaga 'tong Funazhear na 'to.
"Aba't—" bigla akong inakbayan ni Flux at hinila na kaya 'di ko na naituloy ang sasabihin ko sa ungas na yun.
"Hayaan mo na yan 'tol, may trabaho tayo eh."
---
"Masyado nang maraming nagagawa ang pesteng yun. Minamaliit niya yata ako!" inis na saad ni Supremo habang naka-upo sa backseat nitong sports car niya.
BINABASA MO ANG
FIGHT OR LOVE?
Novela JuvenilThe story is about Ms. Student Council President and Mr. Fraternity leader.