Densel John's POV
"Kuya, medyo male-late ako ng uwi mamaya. Baka kasi matuloy yung practical exam namin mamaya eh.."
Tinignan ko ng masama ang kakababa palang ng motor na si Karen. Tinaasan niya din ako ng kilay.
"Kuya, don't look at me like that! Nagsasabi ako ng totoo. Pumunta ka pa!" ibinigay niya sakin ang helmet tsaka bumaba na din ako sa motor ko kasabay ng pag-kuha ko ng susi.
"Psh! Andami mong sinabi. Kahit pa ma-late ka, hihintayin kita sa ayaw mo't hindi."
Sumimangot siya kaya hinila ko na siya.
"Kuya kasi, kaya ko namang mag-commute nalang kesa naghihintay ka sakin dito nang matag---"
"I'll wait for you, end of conversation."
"Bahala ka nga. Don't blame me pag late tayong mag-dinner mamaya."
"Psh! We can eat somewhere."
"Somewhere nanaman? Palibhasa palyado na ang taste buds mo. Kahit ano sa'yo okay lang."
Nakita kong naglalakad palabas nitong school si Geraldine Galvez. Nakita ko din si Supremo sa 2nd floor ng Admin building at sinenyasan ako na sundan si Geraldine kaya tumango ako.
"Hoy kuya! Nakikinig ka ba?" medyo napa-atras ako sa lakas ng sigaw ni Karen.
"Sinong maysabing sumigaw ka?! Tsk! Ang sakit sa eardrums! At pwede ba, wag kang ma'reklamo. Pumasok ka na dun sa 1st subject mo. Bilis!"
"Ang sungit!" inis na umalis siya sa harap ko.
At nung maka-pasok na siya ay sinundan ko na si Geraldine. Oras ng klase diba? Ba't palabas siya ng campus?
Naging maingat ako sa pag-sunod sakanya. Tsk! Para akong stalker sa lagay na 'to eh.
Bigla siyang tumigil kaya mabilis akong nag-tago. Hay naku! Sa buong buhay ko ngayon ko lang naranasang mag-tago.
"S-sino kayo?Anong kailangan niyo sakin?"
Bigla akong napa-silip nang ma-rinig kong may kausap 'tong babaeng sinusundan ko. Takte! Sa'n galing yang mga tarantadong kausap niya? Di ko napansin yan kanina eh.
"Haha! Black Hawks. Sama ka sa'min."
Tangna! Ang papangit ng mga 'yan tapos Black Hawks?
"T-teka, bakit ako sasama sainyo? Anong kailangan niyo nga sa'kin?" biglang hinatak nung isa ang braso ni Geraldine.
BINABASA MO ANG
FIGHT OR LOVE?
Teen FictionThe story is about Ms. Student Council President and Mr. Fraternity leader.