Alonna's POV
"Thank you Papa Andrein. Ingat kayo ah?" kinawayan ko sina Papa Andrein at Black Hawks na nasa sasakyan nila.
Ngumiti naman si Papa Andrein habang kumaway naman yung iba.
Nang maka-alis sila ay iginarahe na ni sis ang kotse niya sa loob ng mansion ng mga Mendez
Bumuntong-hininga muna ako bago naunang pumasok sa loob. Sa likod ko ay si sis.
Aakyat na sana kami sa hagdan papuntang kwarto nung may tumawag samin galing kainan.
"Hey couz, sleeping this early? Kain muna.." boses yun nung bruha. Haist!
Inilingan ko si sis pero hinila niya pa rin ako. Ba't kaya di na nai-intindihan ni sis ang language namin?
Pina-upo niya ako sa tabi ni Hannabaye tapos siya sa gilid ko.
"Where have you been?" tanong nung tita ni sis.
"Naglibot-libot po, Auntie." nilagyan na ni sis ng kanin at ulam ang pinggan ko. Samantalang naka-tingin naman ako kay Hannabaye.
"What?" mataray na tanong niya sakin.
Umiling lang ako at tinignan ang kinakain ko. Naiinis ako sakanya pero ayaw ko muna siyang awayin dahil andiyan ang nanay niya.
"Talaga? Isama nyo nga minsan 'tong si Hannabaye para naman makita siya ng ibang-tao."
My gosh! Wag na po, hindi siya gugustohing makita ng tao.
"Mom! I don't want to. Sayang ng lotions ko noh. Like duhh!" arte-arte, kala mo kung sinong maganda.
"Maka-bonding mo man lang ang pinsan mo."
"We can bond here, mom.." psh! Tuhogin ko 'to ng tinidor eh. Bond-bond, i-mighty bong ko yang bibig mo..
"Haha! By the way, I made a dessert. Wait, I'm going to get it."
Umalis ang tita niya. Aabotin ko sana yung baso na may tubig nang biglang may natapong tubig sa hita ko.
Tinignan ko nang masama si Hannabaye na kagat ang tinidor niya at naka-sagi ang isang braso niya dun sa baso na may tubig na tumapon sakin ang laman. "Ooops." sabi niya.
"Nana-nadya ka ba ha?" tatayo na sana ko nung hilahin ako ni sis paupo ulit.
"Kaye, calm down." sis.
"I'm sorry okay? Tubig lang yan oh." sasabunotan ko talaga 'to promise.
"Couz, done with the word, okay?"
"Huh? Couz, it's an accident." bruhita talaga. Pa-inosente pa!
Ginulo ko nalang ang pag-kain ko at inis na tinusok yung karne. Gusto ko na siyang saktan eh.
"Here it is! Oh, what happened here?" inilapag nung tita niya ang sinasabi nitong dessert.
"Wala po, Auntie."
Halos mabali yung kutsara at tinidor sa pagkaka-hawak ko. Antagal pa naman ng kwentohan nina sis. Psh!
---
"Sis, ba't mo ba kasi ako pinigilan kanina? Eh sumosobra na yung pinsan mo eh."
"Kaye, did you forgot what I've told you before we arrive here?"
"Eh inaapi ako sis eh. Sabi mo sakin noon, wag akong magpa-api."
"I'll talk to Baye. Be patient, okay?"
Napa-busangot nalang ako at umupo sa kama at saka nag-suklay ng basa kong buhok.
Ah basta! Hindi ako magpapatalo sa bruhita na yun!
BINABASA MO ANG
FIGHT OR LOVE?
Fiksi RemajaThe story is about Ms. Student Council President and Mr. Fraternity leader.