CHAPTER 9- NEW NEIGHBOR

30 5 0
                                    

Jhean's POV

7:14 am-Sunday

Bigla akong napa-balikwas sa pagkaka-tulog nang marinig ko ang lakas ng ingay sa labas. Grr! Ang aga-aga diba?

Rinig na rinig ko ang tunog ng drums at kung ano pang musical instruments na ikinabit pa talaga sa amplifiers na naka-maximum ang volume pati na ang nakaka-inis na hagalpakan ng mga lalaki.

Pigilan niyo ko guys! Nai-stress ako eh! At dahil sa inis ay tumayo na ako at nag-ayos nang konti. Isinuot ko ang jacket ko and I zipped it hanggang sa leeg.

Padabog akong lumabas ng kwarto at hinanap ang sobrang ingay na tunog.

Kahit naka-shorts lang ako eh lumabas ako ng bahay. Sa kabilang bahay kasi nanggagaling ang tunog eh. Tsk! Sa pagkaka-alam ko, walang naka-tira sa bahay na yun dahil simula nung lumipat kami dito 8 years ago eh wala na talagang tao diyan.

Pero bakit merong ganyan? Ang ingay-ingay! May concert ba diyan?

Nasa tapat na ako ng kapit-bahay at nag-door bell ako. Mapagsabihan nga 'tong mga andito. Ang tahimik lagi ng umaga ko dito eh. Ngayong ang sarap-sarap ng tulog ko eh nami-mirwisyo sila.

At eto pa, bagong lipat pa lang ganyan ang asta? Hay!

Nadinig ko ang mga bakas ng paa papalapit sa gate at pati na rin ang pag-pihit ng saraduhan nito. Nang bumukas ang gate ay sinalubong ko ang bumukas ng isang masamang tingi--

"Wooh! Witwew!"

"Sh*t! Super hot!"

"G-good morning Psyche."

Tignan mo nga naman ang kamalasan! Want to know who's here? Ang kinaiinisan ko sa school. Weymann! Grr. Siya yung nag-greet sakin while holding drum sticks. Pambihira! Hanggang dito ba naman? Isinama niya pa ang mga tropa niya. Teka nga, ano bang ginagawa nila dito?

"Anong ginagawa niyo dito?" inis na tanong ko.

"a..aah...ano kasi.. Bagong b-bahay namin to." nauutal at di maka-tingin sakin na sagot ni Weymann. Problema niya?

"Really? Siguro naman alam mo na nakatira din kami diyan sa bahay sa tabi nitong bahay niyo noh? Kaya kung pwede lang, bawasan niyo ang ingay. 8 years na tahimik dito kaya please lang."

Kumakamot si Weymann habang naka-tingin sa taas kaya pinandilatan ko nalang ang mga kasama niya na kanina pa nakangiti habang naka-tingin sakin. Ibinalik ko ulit ang tingin ko kay Weymann na naka-tingin pa rin sa taas. May stiff neck ba siya?

"Did you hear me Weymann?"

"Y-yeah. Do you want to come in?" tanong niya sabay tingin sakin.

"No. I don't want to. Ang gusto ko ay tumahimik kayo." I said then left them.

Hindi na sila tumugtog hanggang sa maka-pasok ako sa kwarto ko. Naririnig ko ang mga tawanan nila kaya napa-silip ako sa bintana kung saan ko sila naririnig.

I saw them laughing while sitting around and drinking something. Di ako sigurado pero tingin ko whiskey yun dahil sa bote na nasa table nila.

Among sinasabi niyang bagong bahay nila? Nung pamilya niya o nilang magba-barkada? Tss.. I hate this! Ba't ba hanggang dito sa bahay sinusundan niya ako? Kinakabahan pa naman ako sa mga pinag-sasabi at pinag-gaga-gawa niya.

Hay! Pano ba yan? May magagawa pa ba ako eh nandiyan na sila? Alangan namang palayasin ko sila.

At dahil di na rin ako makatulog eh naligo nalang ako. Mag-aaral na nga lang ako.

Matapos kong mag-ayos ng sarili ay kinuha ko ang mga libro at laptop ko at pumunta na sa garden. Doon kasi ako laging nag aaral pagka-week end.

Pagka-upo ko ay binuksan ko agad ang fb account ko. Aish! 78 friend requests, 115 notifications and 5 messages. My gosh! 1 week lang akong di nag-bukas ng fb account ko, ganito na.

FIGHT OR LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon