CHAPTER 35- MOMENTS

9 2 0
                                    


Geraldine's POV

"Manang, asan po si Ate Psyche?" tanong ko nung matapos kong maitali ang buhok ko at binuksan ang ref at kumuha ng tubig. Na'sobrahan ako ng tulog eh.

"Umalis kani-kanina lang. May pupuntahan daw." tumango lang ako.

Ininom ko muna ang tubig tsaka umupo dun sa dining table at nagsimula nang kumain. Ay oo nga pala, may bibilhin nga pala ako para dun sa portfolio ko.

"Uhmm manang, aalis din po ako mamaya. May kailangan po kasi akong bilhin."

"Oh sege iha. Walang problema."

Matapos kong kumain ay nag-bihis agad ako at sumakay na ng jeep papunta sa bookstore para hanapin yung mga kailangan ko.

"Tsk! Asan na ba yung ribbon? Yun nalang ang kulang sa listahan ko eh." bulong ko sa sarili ko dahil kanina pa ako paikot-ikot dito sa loob ng bookstore pero di ko talaga yun mahanap.

Bigla akong may nakitang lalaki sa gilid nung stand ng mga notebook tapos biglang umalis. Teka lang, ka-pigura ni DJ yun ah.

Sinundan ko yung lalaki at nakita kong tumigil siya dun sa may- ribbon? Lumapit nalang ako nang dahan-dahan para di siya umalis pag naramdaman ako.

"Sabi ko na nga ba, ikaw yan eh.." sabi ko nung maka-lapit sakanya saka ako pumili ng ribbons.

"Eh ano ngayon?"

"Psh! Uhmm, bibili ka rin ng ribbon?"

Hindi niya ako sinagot tapos bigla niyang hinila yung dalawang black ribbons tapos umalis na.

Wow ha? Hindi naman siya bastos, diba? Taga syudad talaga! Kahit nung kasama ko siya lagi sa gulo, at lagi niya akong nililigtas, bitter na talaga siya. Tss.. hayaan na nga.

Kinuha ko yung apat na blue ribbons at inilagay sa cart at saka dumiretso sa counter. Ang haba ng pila!

"Gigi!" nagulat ako nung marinig ko na may tumawag sa pangalan ko at nakita ko si Karen na kumakaway sa may bandang unahan ng pila.

Ngumiti ako at kinawayan din siya kaya lumapit siya sa'kin.

"Long time no see, my friend. Kumusta ka na?"

"Uhmm, eto okay naman. Kanina ka pa ba?" tanong ko kaya lumingon siya dun sa pinanggalingan nya.

"Medyo lang pero hindi ako nag-iisa. Kasama ko si kuya. Hehe. Hihintayin kita sa labas ah. Sama ka saming kumain."

Magsasalita pa sana ako para sabihin na ayaw kong sumama pero bumalik na siya sa pila. Hay!

Nang maka-labas ako sa bookstore ay nakita ko dun si Karen at si DJ. At dahil nakita ako ni Karen eh hinila nanaman ako papunta dun sa malapit na restaurant.

---

"So, kumusta na ang buhay mo, Gigi? Ginugulo ka pa ba nung mga masasamang lalaki?"

"Hindi na. Nakulong na yung dalawa sakanila eh. Tapos, yung iba naman nasa seminar daw."

"Mabuti nalang naka-ligtas ka dun pati 'tong kuya ko."

Napa-tingin ako kay DJ na umiinom ng coke niya tapos umiwas ng tingin. Tss.. Bakit magkapatid sila? Akalain niyo yun? Ang buhay nga namanoh. Ang layo-layo ng mga ugali nila. Si Karen laging alive pero itong si DJ, ewan ko ba parang mahal na araw palagi ang pinagdadaanan tapos ang sungit pa. Parang laging nagme-menu pause. Haist!

"Oo nga eh. Kung di rin siguro nangyari yun, di ko rin malalaman na magkapatid kayo."

"Uhmm.. Oo nga pala. Di ko nasabi sa'yo na may kuya ako. Hehe. Magkakilala na kayo diba? Hehe! Ang totoo, bagay nga kayo eh."

FIGHT OR LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon