Jhean's POV
"Thank you, Weymann. I'll go."
"You're welcome, Psyche. Thanks for this day."
I just smiled and opened the gate at pumasok na ako sa loob. Nang maka-pasok ako ay naabotan kong nanu-nood ng tv si Gigi habang mina-masahe sa ulo si Manang Rose.
Sabay pa silang tumingin sakin nang pumasok ako.
"Ate Psyche!"
"Oh iha, andiyan ka na pala. Kumain ka na ba?"
Umupo ako sa tabi ni manang. "Yeah. Eh kayo, kumain na ba?"
"Opo Ate Psyche. Pero, may dessert po akong ginawa para sa'yo. Gusto mong tikman?"
"Really? Sege nga, gusto kong tikman."
After I said it ay biglang tumalon si Gigi pababa ng sofa at naka-paang tumakbo papunta sa kusina kaya napa-tingin kami ni manang sakanya.
"Hahaha! Napaka-bibo talaga ni Geraldine."
Napa-ngiti ako sa sinabi ni manang. Totoo naman kasi.
"At mukhang masaya ka din. Kumusta ang lakad mo?"
"Tinignan ko si manang at saka ko pinatay ang tv at umupo sa sofa.
-FLASHBACK-
Huminto ang kotse na sinasakyan namin ni Weymann dito sa isang walang ka-bahay bahay puro damo lang ang makikita mo na lugar.
"What place is this? At anong ginagawa natin dito?" tanong ko habang tinitignan ang paligid mula dito sa kotse.
"Uhmm.. Surprise nalang muna. Tara!" lumabas siya at pinag-buksan din ako ng pinto kaya lumabas na din ako.
Bigla niyang hinila ang kamay ko pero pinigilan ko siya.
"Sa'n mo ko dadalhin?"
"Surprise nga eh. Para mo na ring tinanong kung asan tayo. Just go with me, okay? Let's go."
Nagpa-hila nalang ako sakanya papunta sa kung saang surprise na sinasabi niya. Puro damo lang naman at puno ang nakikita ko tapos wala na ding semento.
Nung 'di ko na matanaw yung pinang-galingan namin ay saka ko nakita yung nag-iisang bahay dun sa malayo.
"Weymann, dun ba tayo pupunta?" sabay turo ko dun sa bahay.
"Aish. Ayaw mo talaga ng surprises ha? Oo, dun nga tayo papunta. Bilisan na natin."
Halos tumakbo na kami papunta dun kaya sobrang napagod ako nung makarating na kami.
"Nanay Nimfa, Lolo Miguel! Andiyan po ba kayo?" sigaw ni Weymann habang palakad-lakad sa harap nitong malaking bahay na kahoy.
Maya-maya ay tumunog yung pinto at biglang bumukas ito at tumambad ang dalawang matanda.
Agad naman silang niyakap ni Weymann.
"Iho, sobrang laki mo na! Mas matangkad ka na sakin. Tignan mo mahal, ang gwapo na ni Karl. Manang-mana sakin." tuwang-tuwang hinihimas nung matandang lalaki ang ulo ni Weymann habang yung matandang babae naman ay iniikotan si Weymann na parang sinusuri. Sa tantya ko nasa 70 na pareho ang mga edad nila.
"Oo nga. Iho, higante ka na!"
"Haha! Alam ko na po yan Nanay Nimfa, Lolo Miguel."
Bigla namang nabaling sakin ang tingin nung Nanay Nimfa daw.
"Eh teka, sino naman itong magandang babaeng kasama mo?" lumapit pa siya sakin at umikot din para tignan ako nang maayos.
"Aah. Oo nga pala, Nanay, Lolo, si Jheanivive Psyche Kastler po siya."
BINABASA MO ANG
FIGHT OR LOVE?
Teen FictionThe story is about Ms. Student Council President and Mr. Fraternity leader.