Densel John's POV
"Akala ko ba kuya, 'di tayo pupunta dun? Kinain mo lang ang sinabi mo eh."
"Tumahimik ka nga! Iiwan kita dito!" kanina pa daldal nang daldal 'tong kapatid ko. Pinag-titinginan na tuloy kami ng mga tao dito sa jeep.
"Psh! Ang sungit!"
Hindi ko naman talaga gustong sumama dun sa Ilocos lalo na't kasama 'tong pasaway at maingay kong kapatid dun. Kaso, meron pa daw akong utang kay Supremo kaya di ako maka-reklamo.
Kasama naman yung limang ugok kaya okay na din. Two weeks lang naman at libre ni Supremo lahat ng gastos. At isa pa, itong kapatid ko, pilit nang pilit na gusto niya daw ma-kasama si Geraldine. Psh!
---
"Andito na pala si pareng John at wow! Ang kapatid niya." ang ingay talaga nitong si Emman kahit kailan!
Nakita kong naka-sandal si Supremo sa sports car niya samantalang nasa loob naman ng kotse si Emman.
Nasa loob na din ng kotse ni Zhorenn sina Denver, Flux at Kurt.
"Ang tagal niyo!" sigaw ni Denver.
"Tumahimik ka, gago!" sigaw ko din sakanya at saka ipinasok yung mga gamit namin dun sa likod nung kotse.
"Hop in you two at aalis na tayo." sabi ni Supremo kaya pina-pasok ko na si Karen sa loob. "Mauna na kayo." utos ni 'premo kay Zhorenn kaya mabilis niyang pinaharurot ang kotse niya.
Nang maka-pasok kaming dalawa ni Karen sa loob ng kotse ay pina-andar na ni Emman ang kotse. Haha! Siya pala ang driver namin ngayon.
Sayang, di ko madala yung motor ko. Sa highway kasi kami dadaan at baka mapagkamalan pa kaming riding in tandem nitong kapatid ko.
"Karen, may mga nai-kwento bang kapatid sa'yo yung si Geraldine? Mga chicks ganun." hay naku! Kahit kailan talaga Emman!
"Wala. Wala nang kapatid si Gigi. Pero, meron siyang mga pinsan. Kung di ako nagkakamali, Ash, Syd, Kai at Jess ang mga pangalan nun."
"Ano? Puro lalaki? Wala man lang bang chicks? Pambihira!"
"Psh! Kahit sa'n ka mag-hanap walang magkaka-gusto sa'yo." gatong ni Supremo at nakaka-tawa ang hitsura ng mukha ni Emman sa rear view mirror. Hahaha!
"Grabe ka naman, Supremo."
"Haha! Wag kang mag-alala 'tol, malapit ka na ding mag-trenta, makaka-hanap ka na rin niyan sa tamang panahon." sabi ko kaya mas lalong sumama ang mukha niya.
"Gago ka, eh sino ba sa'tin ang may syota? Wala naman eh."
Anak ng!
"ARAY! Supremo naman eh. Di mabiro." haha! Ayan na-bigwasan ka tuloy!
Pero oo nga noh. Kaming pito ay walang syota. Allergy yata sa mga gwapo ang mga chicks ngayon. Ayaw lang din naming unahan si Supremo.
Nang lingonin ko si Karen ay naka-tingin siya sa'kin at kumikinang-kinang pa ang mga mata niya.
"Hoy! Anong nangyayari sa'yo?"
"Hehe! Wala naman kuya. Naisip ko lang kung bakit nga wala pa kayong girlfriend lahat. Lalo ka na, pwede namang ligawan si Gigi diba?"
Pinanlakihan ko ng mata kahit mahirap gawin 'tong kapatid ko dahil masyadong maingay.
Naisingit niya nanaman ang pangalan ng babaeng yun. Tsk!
"Reejh, ano palang balita kay Ford?"
"Uhmm.. umalis din daw yun sa bahay nila kaninang umaga."
"Wengya talaga! Siguradong sasama nanaman yun sa Ilocos. Tsk!"
BINABASA MO ANG
FIGHT OR LOVE?
Fiksi RemajaThe story is about Ms. Student Council President and Mr. Fraternity leader.