Karen's POV
Kitang-kita ko kung pa'no nanlaki ang mga mata ni Gigi nang itanong ko sakanya kung na-inlove na siya.
"Uy Gigi, ano na?" mabilis siyang umilingf nung tanungin ko siya ulit. So hindi pa pala. Pa'no na 'to?
"Bakit mo naitanong? Yun ba ang problema mo?"
Yun nga ba? In-love na ba talaga ako? Eh hindi niya naman masasagot eh. At mas lalong di ko alam kung oo o hindi. O baka naman nababaliw lang ako?
"Hindi ko alam Gigi eh. Teka, alam mo ba ang sintomas ng mga taong nababaliw?" baliw na nga ako! Ano-ano ang naiisip ko.
"Ang alam ko, hindi mo malalaman na nababaliw ka na pag ganun.." seryoso?
"Ano pa?" matalino kaya si Gigi? Sana oo.
"Madalas mag-salita mag-isa." ginagawa ko ba yun? Oo, minsan.. Naku!
"Ganun? Ano pa? Lahat ng alam mo."
"Loss of interest in others, failing in school, problem with concentration, memory or logical thought, loss of initiative, exaggerated beliefs about personal powers, fear of others, dramatic sleep, change of appetite tsaka mood swings.."
Naka-hinga ako nang malalim. Pero andun yung change of appetite. Positive. Di ako baliw. Buti namn. Pero, ano bang nangyayri sakin?
"Ano ba'ng problema mo, Karen?"
"Ang totoo, di ko din alam eh. Tulungan mo naman ako Gigi oh.."
"Ha? Eh ano ba'ng maitutulong ko sa'yo?"
Napa-ngiti ako nang sabihin yun ni Gigi. Ano kaya ang una kong gagawin malaman ko ang nangayayri sa'kin?
---
"Anong ginagawa natin dito?' pabulong na tanong ni Gigi na nasa likod ko.
"Shh... Ayon, nakikita mo yung lalaking nagsusulat?'
"Alin? Yang nasa tabi ni Ms. Psyche?" kilala niya si Ms. Psyche?
"Oo. Wait, do you know her?"
"Oo naman. Teka, anong meron dun sa lalaking nagsusulat?'
"Siya ang super crush ko eh. Tapos si Ms. Psyche naman ang mahal niya."
Nakaka-inis! Ba't di ko mahanapan ng flaws 'tong si Ms. Psyche? Para naman mainis ako sakanya.
"Aah. Teka, sila ba'ng dalawa?"
"Hindi."
BINABASA MO ANG
FIGHT OR LOVE?
Teen FictionThe story is about Ms. Student Council President and Mr. Fraternity leader.