CHAPTER 27- TWELVE EYES

10 4 0
                                    


Geraldine's POV


*TOK-TOK-TOK*


Agad akong bumaba sa kama at binuksan ang pinto ng kwarto ko. Bumungad sakin ang masayang mukha ni Ate Psyche.


"Good Morning, Gigi."


"Hi, ate Psyche. Pasok ka."


"Naku, wag na. I came here para sabihin na magbihis ka."


"H-ha? Bakit po Ate Psyche? May pupuntahan ba tayo?"


"Yup! In 5 minutes, baba ka nalang okay?' tsaka umalis na siya.


Sa'n kami pupunta? Hay! Bahala na nga. Mukhang masaya si Ate Psyche eh.


Dumiretso ako sa banyo at naligo ulit. Kaninang 6 am kasi naligo na ako after mag-jogging kasama si Ate Psyche.


Tinignan ko ang reflection ko sa salamin. Buti nalang hindi na masakit yung sugat ko sa noo. Band-aid nalang ang ilalagay ko para di makita ang tahi. Pareho pala kami ni Karen nagka'2-inch cut.


Pero yung sakanya dahil sa aksidente, yung akin hiniwa talaga para makuha ang bubug nung nabasag kong salamin. Mabuti nalang di sa mata ko pumasok.


---

Matapos kong mag-ayos ay bumaba na agad ako ng hagdan papunta sa sala. Ayokong pinag-hihintay si Ate Psyche. Nakakahiya kaya yun.


Maya-maya lang ay bumaba na din si ate Psyche at sakto nun ay may biglang pumasok sa pinto.


"Good Morning Kastler's Residence!" sigaw nung babaeng kakapasok lang sa pinto nitong bahay.


Yumuko ako saknya. Nahahawa na ako sa mga koreano at koreana.


"Himala, di ka late." sabi ni ate Psyche.


"Hehe. Sis naman, Sunday is bonding day kaya bawal akong ma-late. Baka di mo ako isama eh."


"It's good that you know. By the way Kaye, this is Geraldine Galvez. Gigi, meet Alonna Kaye Zimmer, my best friend."


Agad kinuha nung kaibigan ni Ate Psyche ang kamay ko at kinamayan ako. Grabe, ang taas ng energy niya.


"Hello Gigi! Hehe. Actually matagal na kitang nakita at kilala. It's nice to meet you. Kumusta ka na?"


"Hehehe.. Ganun ba? Ikay naman ako."


"That's good. Ang saya ko Gigi, tatlo na tayo. Treat me as a sibling ah. Wag kang maiilang sakin. Mabait ako promise."


Tumango nalang ako at ngumiti at na-shock bigla dahil niyakap ako bigla ni Ate Kaye.


FIGHT OR LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon