Alonna's POV
TUESDAY, 9:30 am
"Sis, andiyan ka na ba sa cafeteria?" halos madapa na ako sa pag-takbo dito sa hallway papunta sa cafeteria. Huhu! Ang daming tao!
[Oo, nag-order na ako ng foods natin. Pansit guisado, puto, coffee and tea. Ano pa ba ang gusto mo?]
"uhmm, wala bang rice sis? Di na kasi ako nakapag-breakfast eh." sobrang aga naman kasi ng schedule ko kanina. 7:00-9:30. Biruin niyo yun. Ang hirap kaya.
[Wala. But, I brought breakfast for you. Rice and bacons. Is it okay with you?]
"Talaga sis? Waah! I love you so much. Thank you ha? Para sakin ba talaga yan?" ang sweet-sweet ng bestfriend ko diba? Kaya di ko na need ng boyfriend! Si sis palang sapat na ee.
[Yeah. Alam ko ang schedule mo kaya alam ko rin na di mo na aabotin ang pag-kain ng breakfast dahil sa tagal mo mag-bihis at mag-ayos.]
"hehe! The best ka talaga sis! Thank you ha? Malapit na ako diyan."
[Welcome. Hurry up! Kakainin ko 'to pag tumagal ka.]
"waah! Wag.. Anjan na sis! Bye! Bye!" at itinago ko na ang phone ko. Buti nalang may bff ako. Andami ko nang utang na loob kay sis. Ano kayang gagawin ko in return?
*BOINK*
Aray! Huhuhu! Yuck! Nag'lips to lips kami ng sahig. Bakit ang dulas ng sahig? Waah! Ang first kiss ko!!!
"Wahahahahahahahaha! Tanga! Hahaha!" iniangat ko ang tingin ko para matignan ang walang puso na tumatawa. Hindi naka-uniform. T-teka.. Kilala ko ang buwiset na 'to ah..
Bumangon agad ako at nag pag-pag. Huhu, nakakahiya! Andaming witness sa pagka-wala ng first kiss ko. Ba't ba kasi madulas? Tapos meron pang epal na ungentlemen.
"Hahahaha! Ipo-post ko 'to sa you tube." sabay pakita niya ng video sa phone niya. Bad siya! Na-video niya yun?
"Hoy! Kilala kita ah! Ikaw yung bastos na lalaki sa mall diba??" oo, siya nga yun. Anong ginagawa niya dito sa WFU? Wag niyang sabihin na anak din siya ng may-ari nitng school? Imposible yun ah.
"Aba! Haha! Buti kilala mo pa ako! Hahaha! Nakakatawa ka kanina! Hahaha! Ang tanga-tanga mo!" huhu. Nakaka-inis na siya. Mamatay ka sana sa kaka'tawa.
"Wow! Outsider ka ha! Kung maka-pintas ka diyan! Bawal ka dito alam mo ba yun?" hinampas ko siya gamit ang bag ko. Buwiset! Dapat si ko siya pinapansin diba?
"Haha! Di mo ba alam kung sino ako ha?" huh? Nagkita o nagka-kilala na ba kami before? Tss! Mental block and amnesia occurs!
"Haha! Sorry pero di kita kilala! At di kita gugustohing makilala! Diyan ka na ! Bastos!" inapakan ko siya sa paa at tumakbo na ako paalis. Nung medyo malayo na, nilingon ko siya and I saw him na lumulukso-lukso habang naka-taas ang right foot niya na inapakan ko. Vinideo ko yun noh.
"ia-upload ko 'tong video mo! Patas na tayo! Bleeeh!" sigaw ko mula sa malayo. Hehe. Akala niya ah.
Nang maka-rating ako sa cafe ay grabe ang pawis ko. Kita ko ngang nagulat si sis nung bigla akong umupo sa upoan na bakante sa tapat niya.
"What happened to you?"
"Uhmm, home run sis. Ayokong mainip ka, baka kainin mo 'to eh." sabay kuha ko sa tupper ware ni sis na may pag-kain then sumubo agad ako. Gutom na gutom na talaga ako eh.
"Take it slowly Kaye. Walang aagaw sayo niyan." si sis na naka-ngiti habang naka-tingin sakin. Hehe.. Ang saraapp!
"Hehe. Kumuscha yung shabado tchrip niyo?" subo ulit.
BINABASA MO ANG
FIGHT OR LOVE?
Teen FictionThe story is about Ms. Student Council President and Mr. Fraternity leader.