Jhean's POV
"Yow! Ms. SC President!" bati sakin ni Emman na may hawak na ping-pong racket.
"Oh.. Ms. Psyche, andito ka.." Denver. Ka-laro yata 'to ni Emman.
"Morning Ms. SC/Hi Ms. Psyche." sabay na sabi nina Flux at Kurt sa gilid.
"Matutuwa si Supremo nito." bulong ni Zhorenn na umiinom ng softdrink while sitting on the couch. Si John ay ngumiti lang sakin.
"Where's your leader, guys?" tanong ko.
"Nasa loob po Ms. SC Pres. Bakit po?" John. Ang galang niya pala.
Nilingon ko yung kasama ko and I found her staring at the six guys. Hindi nga lang stare, her eyes are nailed at them kaya napa-sigh ako.
"I want to talk to him. If he don't mind." Medyo sarcastic ang tono ko para naman mahalata nilang importante ang ipinunta ko.
"Matutuwa nga yun si Supremo eh dahil hinahanap mo siya." naka-ngiting sabi ni Emman at saka binitawan ang racket niya na kinuha naman ni John.
Di ko gusto ang ibig sabihin ng sinabi ni Emman. Anong hinahanap? Well oo, hinahanap ko siya but that's because meron nanamang ginawang di maganda ang grupo niya and that's all.
"Well tara na. Kailangan nating mag-usap-usap." I looked at all of them kaya napa-tigil sila sa kanilang mga ginagawa.
"Huh? Natin? Bakit natin?" bakas sa mukha ni Zhorenn ang curiosity.
"Oo natin. Kaya kung gusto niyong malaman kung bakit TAYO mag-uusap eh sumama na kayong lahat." utos ko.
Medyo inabot pa kami ng dalawang minuto bago pa siya pumayag na sumama sa loob. Siguro nase-sense na nila ang mangyayari. Dapat lang, para mabilis ang usapan na mangyayari.
*TOK*TOK*TOK*
Ang tagal buksan ni Weymann ang pinto. Nakaka-banas na ah.
"Would you mind helping me to call him, guys?" tanong ko sa anim na lalaki na nasa likod ko lang at tahimik. Anong problema nila?
"Pareng Kurt, ikaw na ang tumawag kay Supremo." Zhorenn.
"Anong ako, si Denver nalang." Kurt.
"Punyeta! Ayan si Emman oh. Close sila ni Supremo." Denver.
"Close ka diyan. Oh John, good boy ka naman diba? Ikaw na kaya." Emman.
"Tss.. Kaya nga nananahimik ako diba?" John.
"Gagong 'to. Hoy Flux.. Ikaw, ano na?" Emman.
"Anak ng! Ang dami niyo diyan, nag-hanap pa kayo ng kasama." Flux.
Hay naku! Halos umikot ang ulo ko sa kaka-sunod sa pagpapasa-pasahan nila. Ba't ba ayaw nilang katokin si Weymann? Ako nalang nga. Baka mag-umaga na ay di pa kami makapag'usap-usap dito.
Di pa ako nakaka-tatlong katok ay bumukas na ang pinto at bumungad sakin ang inis na mukha ni Weymann.
Halos dalawang minuto kaming nagka-tinginan.
Why do I have this feeling that....I missed him?
"Can we come in?" I cutted our long stare.
"We? Why we?" bumalik na rin siya sa dating expresyon. Yung mayabang ba..
"Your members are part of this." mahinahong saad ko.
Di na siya sumagot at tinalikuran kami tsaka dumiretso sa sofa sa loob kaya pumasok na rin kami. Hindi magkanda-ugaga yung anim kung saan sila mauupo.
BINABASA MO ANG
FIGHT OR LOVE?
Teen FictionThe story is about Ms. Student Council President and Mr. Fraternity leader.