Karen's POV
Malayo palang naka'ngiti na ako dahil nakita ko si Irvin. Sayang, di ko siya nakasama sa gift giving.
"Hi Irvin!" bati ko sakanya.
"Hey, Karen right?" yii~ kilala niya pa ako..
"Oo, buti naman di mo nakalimutan."
"Haha. Bakit ko naman makakalimutan yun?"
"Malay mo.. Hehe. Hinihintay mo si Ms. Psyche?"
"Oo. Tinawagan ko kasi siya kagabi, na-trap daw sila sa isang malaking mansion."
"Aah. Oo nga eh.." sabi ko na nga ba, si Ms. Psyche ang hinihintay niya. Kailan kaya mangyayari na ako naman ang hihintayin niya? Haha! Mangarap ka Karen..
"Oo. Eh ikaw, may hinihintay ka din?"
"Uhmmm.. Oo, si kuya.."
"Kuya? Sino ang kuya mo?"
"Uhmm. Densel John ang name niya. One of the Black Hawks.."
"Aww. Ganun ba? Ang bait mo naman, hinihintay mo kuya mo."
"Hehe.. Hindi naman. Baka kasi pagalitan ako pag di ko siya hinintay."
pati nga ikaw hinihintay ko din eh. hehe.. landii..Maya-maya ay may tumawag sakin.
"KAREN!" hala.. boses ni kuya yun ah.
Nang lingonin ko sa pwesto niya si Irvin ay wala na siya kaya hinanap ko siya. Nakita kong kaharap niya na si Ms.Psyche at hinalikan niya pa sa noo. Hay! Nakaka'inggit naman.
"Hoy!"
"Ay butiki!"
"Ano?" Hala! panong andito na si kuya sa harap ko?
"Hehe. Wala kuya. Ba't ka kasi basta-bastang sumusulpot?"
"Basta-basta? Kanina pa ako dito. Di mo lang napansin dahil nakatitig ka sa tarantadong lalakeng yun." sabay turo niya kay Irvin.
"Kuya.. Ba't ganyan ang tawag mo kay Irvin? Ansama mo!"
"Alam ko. May gusto ka ba dun?"
Napa'lunok ako nang wala sa oras. My gosh! "Kuya, ano bang klaseng tanong yan?"
"Bakit? 'Yes or No' lang ang isasagot mo ah.."
"Tsk! Syempre Yes! haha"
Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.
"Uy.. Joke lang kuya. Hehe. Ito naman, di mabiro. Pasalubong mo pala?"
"Psh.. Wala. Tara muna, kain tayo, libre mo.. gutom ako.." sabay akbay sakin.
"Ano?! Wala akong pera kuys. Bahala ka diyan!"
"Kuripot. Kapapadala palang ng alowance natin ah, wala ka nang pera?!"
"Eh ikaw nga diyan eh.. magpapa'libre ka sakin."
"Haha.. Baliw.. napaka-kuripot mo."
Alonna's POV
Matamlay na naglakad ako papuntang locker para kunin yung jacket ko. Anlamig na kasi ng umaga, malapit na pala kasi ang pasko.
Pangatlong araw na ngayon ng week-long celebration ng foundation ng WFU at merong bingo socials sa covered court. Gusto ko sanang sumali kaso, ewan ko ba.. tinatamad ako eh..
Bubuksan ko na sana yung locker ko nung biglang may sumulpot sa harap ko.
"BULAGA!"
"Ay bingo!" agad ko siyang hinampas ng bag na dala ko.
BINABASA MO ANG
FIGHT OR LOVE?
Подростковая литератураThe story is about Ms. Student Council President and Mr. Fraternity leader.