Geraldine's POV
"Alright! Pass your test booklets!"
Pagka-sabi nun ng proctor namin ay mabilis na kinuha ni DJ ang test booklet ko. Tinignan ko siya ng masama dahil nire-review ko pa ang mga answers sa computation.
Nag-smirk lang siya at walang habas na pinagkukuha ang mga test booklets ng mga ka-klase namin. May attitude problem yata siya. Kaya ayokong maniwala na kapatid 'to ni Karen eh.
Hinayaan ko nalang siya total 15 minutes ko na ding tinitignan yung answers ko dun pero, yung mga ka-klase namin nag-reklamo dahil sa ginawa niya. Hay! Napa-iling nalang ako at naghalumbaba.
"Okay. Thank you, Mr. Reejh." kinuha nung proctor namin ang mga test booklet na ki-nollect ni DJ. "Your examination week is over. Say hello to sem-break. Enjoy!" saka siya lumabas ng classroom kaya tuwang-tuwang nagsi-tayuan ang mga kaklase ko.
Tinignan ko lang sila tsaka kinuha ang knapsack ko at lumabas ng classroom. Hinang-hina akong nag-lakad sa lobby papunta sa locker para kunin yung mga portfolio at modules na isa-submit ko bago umuwi.
"Hey, Miss Gigi. How's the exam?" nagulat ako nang biglang may lalaking tumabi sakin at sumabay sa paglalakad.
"Emman?"
"Haha! Yeah.. The one and only."
"Uhmm.. okay naman. Medyo sumakit ang ulo ko." sabay bumuntong-hininga ako.
"Grabe naman. Ako nga di pinag-pawisan eh."
Tss.. ang yabang naman. Eh napagalitan nga siya kanina nung proctor namin dahil sabi niya ang init daw. Pasigaw-sigaw pa siya ng 'Wooh! Matinde!'.
Pero nauna talaga siyang matapos kanina. Parang 'di naman siya nag-aral pero natapos niya agad yung madugong computation sa General Algebra.
Nang makarating kami sa locker ay hikab siya nang hikab. Kinuha ko ang dalawa kong modules at portfolio at saka isinara ang locker ko.
"Ipa-pass mo na yang module mo?"
"Oo. Bakit?"
Bigla niyang tinapon yung module niya sakin kaya sinalo ko. Ang bigat! Halos lumuhod ako sa sahig.
"ANO BA?!" inis na sigaw ko sakanya.
"Haha! Pa-suyo. Isabay mo na pag pass mo. Salamat!" ngumiti siya saka kumaway pa paalis.
Ang lakas din talagang maka-sira ng araw ng mga Black Hawks! Tsk!
---
Matapos kong mai-pass yung mga projects ko ay agad akong umuwi. Alas kwatro y media na nga eh.
Naabotan kong tulala si Ate Psyche sa sala kaya nilapitan ko.
"Hi, Ate Psyche."
Tumingin siya sakin at ngumiti. "How's your exam?"
"Hmm.. okay naman po. Medyo sumakit lang ang ulo ko."
Tumawa siya. "Talaga? Nagpa-luto ako kay manang ng macaroni salad para mabawasan ang stress natin sa exam."
Pakiramdam ko, tutulo ang laway ko dahil sa macaroni salad. Nag-crave tuloy ako nang wala sa oras.
Tinignan ko ulit si Ate Psyche. Naka-tulala nanaman siya.
"Ate Psyche, may problema ka ba?"
"Yeah. I didn't treat Weymann good as he deserved. Pakiramdam ko, galit siya sa'kin. He's not talking to me nor answering my calls and texts."
BINABASA MO ANG
FIGHT OR LOVE?
Teen FictionThe story is about Ms. Student Council President and Mr. Fraternity leader.