CHAPTER 15- LOSING YOU

18 2 0
                                    

Andrein's POV


"Let's go honey! I'm starving na sa kakaikot dito sa mall. Let's eat na." nagpa-hila lang ako kay Hanna papunta sa food court.


"Kung saan-saan mo kasi ako dinadala kaya napapagod ka." tinatamad na sabi ko.


"Nag e-enjoy ka naman diba?" tanong niya nang maka-upo kami sa loob ng isang grill.


"Yeah, a little bit." ang totoo masaya namang kasama si Hanna. Simula nung maging girlfriend ko siya ulit, palagi kaming pumupunta sa kung saan-saan. Dahil dun, kahit papano ay nakakalimutan ko ang nararamdaman ko kay Psyche.


Oo, alam kong ito lang ang paraan para makalimutan ko siya at ito rin ang gusto niya diba? Hindi ko ginagawang panakip-butas si Hanna, I just ask for her help about this.


Siguro kasi, hindi nga kami ang meant to be...


"Honey, order ka na."


"Uhmm, mamaya na. Magsi-cr muna ako." nung tumango siya ay agad na akong nag-lakad paalis.


Habang naglalakad ako ay meron akong nakitang~~~Psyche?


Hindi ako pwedeng magkamali, si Psyche nga yun. Is she crying? Sh*t! This is the second time that I saw her cry.


Lalapit na sana ako sakanya nang lapitan siya ni Ford na halatang nagmamadali. He hurriedly hug her tight at niyakap din siya ni Psyche. Di ako maka-galaw nang makita ko yun. Bullsh*t! Dapat ako ang niyayakap ni Psyche. Nawala lang ako, close na sila?


Pakiramdam ko parang nag-ice bucket challenge ako. Ganito ba kasakit mag-move on?


Hindi ko na tinapos ang scene na yun. Hindi ko kaya, baka mag-wala lang ako dun nang wala sa oras. Pumunta nalang ako sa parking lot at sumakay sa kotse ko saka umalis. I hate this f*cking situation ang this f*cking feeling!


Nang maka-rating ako sa bahay ay napa-tingin ako sa bahay nina Psyche. F*ck this feeling! I want to have Psyche. I love her and she's mine.


Umilling nalang ako at pumasok sa bahay. Tinawagan ko ang members ko. Hindi pa nga pala ako nakaka-resbak sa mga kumag na nanakit sakin nung nakaraan. Tss! Lintek lang ang walang ganti.


Ilang minuto pa ay nagsidatingan na sila at kanya-kanya sa pag-kuha ng canned beer sa loob ng ref ko tapos umupo sila sa couch at sofa sa tapat ko.


Iinomin ko na sana ang beer ko nung tumunog ang cellphone ko at nung tignan ko kung sino ay napa-kunot ang noo ko.


"Ano nanaman ba Hanna? I'm dealing with something kaya mamaya ka na tumawag!" asik ko sakanya.


[What? You're dealing with somethiing? Right now?] sh*t! Ang sakit niya sa tenga..


FIGHT OR LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon