CHAPTER 12- FORD'S TURN

31 2 0
                                    

Jhean's POV


"Ate Psyche, saan po tayo pupunta?" tanong ni Peter na nasa back seat.


"Ibabalik ka na namin sa parents mo Peter." I answered.


"Talaga? Yehey!" naka-ngiting sigaw ni Peter.


"Aish! Stop screaming! Ang sakit mo sa air drums!" inis na sabi ni Weymann habang nagda-drive nitong kotse niya.


Papunta kami ngayon sa isang restaurant dahil tinawagan na ako ng parents ni Peter after kong ipa-announce sa radyo ang tungkol sa pagka-wala ng bata hanggang sa pag-alaga namin sakanya.


1 week na nga ang nakaka-lipas nang makuha namin si Peter sa mall. Kahit papano napa-mahal na din sakin anng batang 'to. Nakaka'miss magkaroon ng kapatid na lalaki.


"Are you alright, Psyche?" natauhan ako dahil sa tanong ni Weymann. Nilingon ko lang siya. Kunot nanaman ang noo niya.


"Yes, why?" ibinalik ko ulit ang tingin sa daan.


"Para kasing wala ka sa sarili. Oh come on, kasama mo pa ako tapos ako pa ang iniisip mo." ano daw?


Ngumiwi ako at tumingin ulit kay Weymann na naka-ngiti. Yabang!


"I think, ikaw ang wala sa sarili mo dahil sa mga pinag sa-sabi mo." sabi ko kaya nag-smirk lang siya.


Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa mall. Hawak ko ang kaliwang kamay ni Peter. Pa'talon-talon pa nga siya and I find it cute. Weymann is walking behind us. Ayaw nya pa ngang sumama samin pero subukan niya lang..


Naka-rating na kami sa food court dahil dun daw kami mag-kikita. Umupo nalang kaming tatlo sa isang table at nag-order ng pag-kain.


"Anong oras ba darating ang susundo diyan?" Weymann na patingin-tingin sa wrist watch niya.


"15 minutes pa. Bakit, may lakad ka ba?" I asked with my right eyebrow raised.


"tss. Wala. Ayoko lang ng pinag-hihintay ako ng matagal." wow! What a very nice reason!


"Alam mo bang mabilis akong mainis lalo na sa mga taong di marunong mag-hintay?" I asked.


"Kasalanan ko bang matagal sila? Sila ang may kailangan kaya dapat nauna sila dito." aburido niya.


"If you're not going to stop that, I will leave you here with Peter." pag-hahamon ko.


Tumahimik nalang siya at umiling.


"Mamaaa..." sigaw ni Peter sabay takbo palayo.


Nang sundan ko ng tingin si Peter at niyakap niya yung kapapasok palang dito sa loob ng grill. Gaya ng sabi ni Peter, mama niya yun. Tumayo kami ni Weymann nung lumapit na samin ang isang maputi, maganda, at medyo matangkad na babae habang hawak ang kamay ni Peter.

FIGHT OR LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon