CHAPTER 25- MS. GALVEZ part 2

17 2 0
                                    

Someone's POV


Mababali na ang leeg ko sa kakalibot ng tingin dito sa office daw ni Ms. Maganda. May kausap kasi siya sa cp at iniwan muna ako dito sa harap ng table niya.


Puro kasi pictures ang makikita eh. Tingin ko mga events 'to dito sa school. Pero kung office niya nga 'to, bakit wala siua masyado aa mga pictures? Hay! Hayaan na nga.


"Sorry sa pag-hintay. Importanteng tawag lang." sabi niya nung maka-upo siya sa tapat ko.


"Okay lang po." sagot ko. Ang ganda talaga niya. Kaka-inggit.


"Don't call me 'po'. I'm Jheanivive Psyche Kastler, call me Psyche." sabi niya nang naka-ngiti at iniabot ang kamay niya kaya kinamayan ko siya. Pati pangalan niya maganda din. Diba si Psyche ang kasintahan ni Cupid sa Greek Mythology?


"Ako naman si Geraldine Galvez. Gigi po in short. Ay! Ms. Psyche pala."


Ngumiti muna siya at " Geraldine Galvez? Ikaw pala yun?" huh? kilala niya ako?


"Kilala mo ako Ms. Psyche?" pa'no niya ako nakilala? Eh ako nga, ngayon ko pa lang siya nakikilala eh.


"In person no. But, I know you in some means. Masaya akong makilala at makita ang scholar ng Kastler Corporation."


"Kastler Corporation?" ulit ko. Ano ba'ng nangyayari sakin?


"Yup! Kami ni mom ang nagbigay ng scholarship sa'yo Ms. Galvez. Actually, it's part of our goals in the company. Naghanap kami ng scholar sa Ilocos which is my mother's hometown para i-share ang blessings ng company. Sorry kung medyo natagalan ang process kaya medyo patapos na ang 1st sem. bago ka pina-punta. Kasalanan ko kasi, di ko agad naipa-process ang papers mo sa Admin."


Tumango-tango lang ako habang nagsasalita siya. Ibig sabihin, ang yaman-yaman niya. Kaya pala mukha siyang artista.


"And I'm so glad that you accept the offer. Matagal ko nang mino-monitor ang grades mo nung secondary ka. And maganda ang performance mo dahil Valedectorian ka diba?"


Tumango ulit ako bilang sagot. Maa-alog na nga ang utak ko sa ginagawa ko eh. Kaya pala, paulit-ulit si auntie sa pangungulit sakin dati na dapat mag-valedectorian ako. May ganito pala kasi.


"Very good! That's why ikaw ang pinili kong gawing scholar. You deserve to be part of WFU and our company as well. Are you happy?"


Tumango nanaman ako. "Sobrang saya po Ms. Psyche. Ngayon pa lang nagpapasalamat na ako. Thank you po talaga." hala, Ayokong maiyak dito.


"You're more than welcome Ms. Galvez. Kaya pala tumawag sa'kin ang tita mo kahapon sakin na andito ka na daw sa manila. Wait! Sa'n ka pala nag-stay nung dumating ka dito sa manila?"


"Uhmm. Nag-rent po ako ng boarding house kahapon."


FIGHT OR LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon