Emman's POV
"Mr. Choi. You have 1 mistake."
Nagpalak-pakan ang mga classmates ko nung kinuha ko ang papel ko sakanya (sa prof namin). Tss.. sadya ko talagang magpa-mali ng isa noh. Wala naman sigurong tataas pa sakin—
"Ms. Galvez, you got perfect! For a transferee that's a very good performance."
Sabay kaming napa-hinto nitong si Ms. Galvez sa unahan kaya nagka-tinginan kami.
"Padaan please.." sabi niya habang inaayos ang salamin niya kaya umusog ako sa gilid.
Anak ng! Pa'nong nangyari na na-perfect niya ang quiz namin? Ah sh*t!
---
Inis akong lumabas ng classroom kasabay si Geraldine. Tsk! Dapat pala di ako naging mabait sandali. Nalamangan tuloy ako.
Sinundan ko ang nauna sa'king mag-lakad na si Geraldine at mukhang papunta siya sa labas. Teka, may chemistry pa sya diba?
Nag-tago ako sa mga pillars nitong hallway dahil panay lingon si Geraldine sa gawi ko.
Ano ba'ng problema niya? At sa'n naman niya balak pumunta?
Naka-rating kami dito sa labas ng WFU kung saan wala namang dumadaan na mga estudyante.
Biglang may humawak sa balikat ko nung akmang lalapitan ko na si Geraldine kaya bigla kong hinawi ang kamay niya pero agad kong naramdaman ang matigas na semento sa mukha ko. Tang*na! ang sakit ng batok ko?
Nahiga ako sa lupa para makita kung sino ang gagong humampas sa batok ko at nakita ko ang lalaki na may hawak na malaking tubo at may mga kasama siya sa likod.
Wengya! Sa'n galing ang mga gagong yan?
"Hahaha! Ba't nag-iisa ka ha, miyembro ng Black Hawks?" damuhong 'to kilala ko boses nito ah.
"Asan mga kasama mo—ah natin pala?" dag-dag niya pa.
Sinasabi ko na nga ba, traydor ang pangit na Dante Jimenez ba 'to.
-FLASHBACK-
Lahat kami ay naka-tipon dito sa secret place para sa pagpapalit ng mga members ni Supremo. Kailangan na kasing umalis nung mga kanang-kamay niya dahil graduating na sila.
"Tingin niyo, sino kaya ang pipiliin ni Supremo bilang mga kanang-kamay niya?" narinig kong bulong nung isang ka-member namin.
"Syempre kasali na diyan si Dante Jimenez. Diba 'tol?" sabi pa nung isa sa tabi nung nagsalita kanina.
BINABASA MO ANG
FIGHT OR LOVE?
Teen FictionThe story is about Ms. Student Council President and Mr. Fraternity leader.