Karen's POV
"I insist nga kuya, ako na ang magda-drive. Tignan mo nga yang paa mo, pi-pilay-pilay ka pa kaya.." sabay agaw ko kay kuya ng susi ng motor bike nya.
Eh kasi naman. I'm going to school na. Si kuya daw ang maghahatid sakin. Hindi pa naman siya pwedeng pumasok dahil sa kondisyon niya. Lumpo pa rin siya at merong band-aid sa ilang part ng mukha. Sabi niya, nakipag-away daw kasi sila with his co-frat members last time kaya ganyan ang nangyari sakanya.
Tsk! Tsk! Tsk! Ano ba kasi ang problema nila at ang hihilig nilang makipag-away? Gulo lang yata ang dala sa kanila ng fraternity na yan eh.
"Tsk! Karen! Ba't ba laging mas marunong ka pa sakin ha? Porket marunong kang mag-motor at may pilay ako eh aasta ka na ng ganyan. I am still the owner of that motorbike and still your brother. Older brother to be exact" hay naku! Sino ba may sabing hindi? Si kuya talaga.
"Alam ko naman po yun KUYA. Iniisip ko lang naman po kasi ang kalagayan mo at hindi po ako nagti-take advantage kung yan ang iniisip mo. Hindi ko naman to gagawin kung wala kang pilay noh?" high blood kasi masyado. May pilay na nga, tinutulongan na nga, masungit pa din. Tinalo niya pa ang matandang walang asawa.
"Stop that 'po' of you! I can manage this Karen. I'm just making sure that it will be safer for you to go to school kaya wag ka nang makulit." wow lang ha? Inagaw pa sakin ang susi.
"Safer? Sigurado kang safe kuya? Tignan mo nga ang itsura mo? Tingin mo magiging safe ako na ganyan ang lagay mo? Kuya nga talaga kita. Mas matigas ang ulo mo sakin eh.." reklamo ko while pointing his leg na meron pang semento. Ba't ba sobrang ma-pride ng boys? Sana hindi ganito ang aking si Irvin Drew Ford. Yii~~ kakakilig.
"Will you shut up Karen?! Ang hilig-hilig mo nang sagutin ako ah. Wag mo akong galitin. Now, you're going to follow me. I'm going to drive so umangkas ka na." sumampa na siya sa motor niya and started the engine. Psh! I just rolled my eyes at sumampa sa motor niya. Ano pa bang magagawa ko? Sadyang mas ma-awtoridad talaga ang kuya ko. Kaya tignan niyo, walang girlfriend.
How I wish that Ms. Kastler became his girlfriend, baka magbago ang takbo ng utak nitong si kuya. Nakakatakot kaya si Ms. Kastler. Bagay din naman sila. Yii~~ ang saya sigurong maging ate si Ms. Kastler.. Tapos akin na si Irvin..hehe..kidding aside. Asa naman ako.
"Aw! SH*T! F*cking broken leg!" mura ni kuya dahil hindi ma-start ang motor niya. Yan kasi.. Buti nga sa'yo. Ang kulit-kulit naman talaga kasi. Kung di ko lang kuya 'to, pinektusan ko na siguro kanina pa.
"Oh ano? Nahihirapan ka ngayon? Milyon-milyon kasi ang pride eh.." bulong ko.
"What did you say?" OMG! Narinig niya? Bah! Naglinis ng tenga.
"Haha.. Wala kuya.. Sabi ko, Go Go Go! You can do it!" hehehe.. Galing ko.
"tss.. Ang ingay-ingay mo." sabi niya and finally nag-start na ang motor. Hmmp! "Kumapit ka, ihuhulog kita diyan."
Ngumiwi muna ako then yumakap kay kuya..hmm.. Bango! Hihihi! Sana mas mabango kay kuya ang maging boyfriend ko. I'm pertaining to Irvin. My God! Sana siya agad ang makita ko pagka-rating ko sa school.
---
MY GOODNESS!! Halos maiwan ang kaluluwa ko sa kalsada sa sobrang bilis ni kuya mag-motor. Parang di niya ako kasama kung makapag-drive. Halos mapatid na din ang hininga ko sa pag lulusot sa masisikip na pagitan ng dalawang truck. Seryoso, near to death experience talaga mag-motor si kuya. Akala niya siguro siyam ang buhay niya. Huhuhu! Satisfying daw yun sa part niya. Eh sakin? Death defying!
BINABASA MO ANG
FIGHT OR LOVE?
Genç KurguThe story is about Ms. Student Council President and Mr. Fraternity leader.