CHAPTER 30- PASTS

7 2 0
                                    

A/N: Sorry po sa sobrang tagal na update.. sobrang naging busy po kasi.. pero bumawi naman ako sa mga updates.. promise di na ako papalya.. salamat :)

Alonna's POV

"My God, Gigi! Please stop crying na oh.. Kinakabahan na ako sa'yo eh. Sis is on her way here, tahan na.."

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko dito kay Gigi. Kanina pa kasi siya iyak nang iyak mula nang makita ko siya kanina.

-FLASHBACK-

I'm running as fast as I could dahil nagsisitakbohan ang mga estudyante papunta sa Education Department. Sabi nila, may nag-suicide daw at dahil aligaga ang mga professors dahil dun, eh nagsilabasan ang lahat ng estudyante including me.

Tinahak ko ang shortcut papunta dun dahil nabu-bunggo ako. Huhu.

Malapit na sana ako sa mga nagkukumpolang tao nang makita ko ang isang babae at lalaki sa tabi. Wait! That girl is... Gigi?

Kahit gusto kong makita ang nag-suicide, I chose to approach Gigi. Baka may makita din kasi akong dugo dun. Eww!

Nang malapit na ako kay Gigi ay biglang tumakbo paalis yung lalaking kasama niya. T-teka, mukhang kilala ko yun ah.

"Hoy sandali!" sigaw ko sakanya pero di man lang lumingon. Tsk.

Napa-tingin ako kay Gigi. SHOCKS!

Tumakbo ako para makalapit sakanya. Her eyes are different. Parang shock. Nilingon ko yung tinakbohan nung lalaki kanina ang I was about to follow him nung marinig kong umiiyak si Gigi kaya nilingon ko ulit siya.

Oh my! "Gigi, what happened? Anong ginawa sa'yo ng lalaking yun? Sinaktan ka ba oh ano? Hey, Gigi.."

Niyugyog ko siya but never siyang tumingin sakin. Naka-tinign lang siya sa kawalan at gulat na gulat ang mukha niya pero may tumutulong luha.

Bigla akong nag-panic. Waaa! Anong nangyayri sakanya? Sinasaniban o ano? Waaaa!

"Woi Gigi.. Pinapa-kaba mo ako eh. Please, mag-salita ka naman."

Pero di pa din siya kumibo what to do?

Kinapa ko sa bulsa ko ang cellphone ko and called sis. Naka-ilang missed calls din ako bago niya sinagot. Akala ko pati si sis ganun na din..

"Sis...Sis, you have to come here. Andito ako sa malapit sa Education Department. Emergency."

[W-what? Come again?] huh?

"Di mo narinig sis? Punta ka dito sa Education Department. There's something wrong with Gigi."

[O-okay. I'm c-coming.] and the call ended.

Parang di maganda ang tono ng boses ni sis. May problema ba siya?

Hinawakan ko ang kamay ni Gigi at sobrang lamig. Di pa din sya kumikibo pero iyak lang nang iyak.

-END OF FLASHBACK-

Tinitigan ko lang ang mga taong naka-kumpol. Dumating na ang ambulance at mga pulis kaya medyo kumonti na ang mga tao dun.

"Kaye, what happened to Gigi?" nagulat ako nung dumating si sis at tinignan agad si Gigi.

"I don't know sis. Kanina pa siya umiiyak at di naman nag-sasalita."

Tinignan ko ang mukha ni sis. Halatang galing sa iyak ang mga mata niya. Gusto ko sana siyang tanongin pero ang focus namin ngayon ay si Gigi.

FIGHT OR LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon