Jhean's POV
"Ohmygosh! Is that true ba sis?" ang kulit talaga ni Kaye.
"Oo nga.. Paulit-ulit ka talaga noh?" inis na sagot ko kay Kaye.
"ba't ba kasi sila nag-away?" sabi niya sabay hawak sa braso ko kaya di ko tuloy mai-subo yung pag-kain ko.
"I don't know and I don't care about it." hinawi ko ang kamay ni Kaye at isinubo na ang pag-kain ko.
"Naman eh.. Bakit kaya nag-away si Papa Andrein at Papa Irvin? Sayang di ko nakita. Ang gwapo pa naman--" naputol yung sinasabi ni Kaye nang isubo ko sakanya yung malaking piraso ng lasagna. Ingay kasi..
Ikinuwento ko kasi yung pag-aaway nila Weymann at Ford sa school kahapon. Tapos ayan, di na natigil sa pagsasalita at pagtatanong. Ingay-ingay.
"Bilisan mo ang pag-kain dahil madami tayong bibilhin." utos ko sakanya. "Kalimutan mo muna yang issue na yan ah." dagdag ko at tumango naman siya.
Nandito kami ngayon sa food court nitong mall. Mamayang gabi na kasi ang program at kailangan kong bumili ng damit. Ayoko sanang bumili ng bago kaso itong si Kaye ay ini-insist na dapat daw bumili ng bago naman. Ewan ko ba kung bakit ako pumayag. Hay! Lakas talaga ng convincing power nito..
Isipin niyo, napa-payag niya akong dun sa bahay namin kami magpapa-ayos at ang matindi pa dun ay napapa-payag pa akong dalhin ang kotse ko. Tss. Laki ng empluwensya niya sakin diba? Parusahan ko kaya 'to minsan? Sinasamantala ang kabaitan ko.
---
"Sukat mo na 'to sis oh.. Bagay 'to sayo promise." pangungulit ni Kaye habang hawak yung silver na long gown.
Nandito kasi kami sa boutique nung pinsan niya. Pang-21 niya nang gown yan na napili at sa tingin ko di pa rin maganda sa paningin kaya umiling ako.
"Wala ka pa ring gusto sis? Huhu! Mauubos na ang mga gowns dito wala ka pa ring napipili." malungkot na sabi niya. Tss! Malat ko bang di maganda ang mga napipili niya sa paningin ko. Di ko nalang siya sinagot.
"How about this girl?" nilingon ko yung nagsalita. Yung baklang pinsan pala ni Kaye (owner nitong boutique).
May hawak siyang White fitted gown na merong violet na raffles mula sa dibdib pababa. Yung sa taas, 1 line ng violet raffles at yung sa baba ay madami na. Napa-ngiti ako nang makita yun.
"Uhmm Kaye, isukat mo nga." paki-usap ko Kaye.
Agad namang niyang sinukat yung gown. Perfect! Magka-pareho kasi kami ng katawan ni Kaye. Pero mas matangkad ako sng dalawang inches. Kaya bagay sakanya yung gown.
"I want that gown." sabi ko kaya lumapad naman ang ngiti ni Kaye at nung pinsan niya.
"Sa wakas sis, may napili ka rin." parang mahihimatay na sabi ni Kaye kaya napa-ngiti ako.
Matapos bumili ng gown ay bumili kami sa bilihan ng sapatos. Pinagalitan ko nga si Kaye dahil apat ang gustong bilhin. Masyadong magastos. Kung anu-ano ang nakikita at gustong bilhin.
Pagkatapos mag-shopping ng mga damit at kung anu-ano pa ay umuwi na kami sa bahay namin. Tuwang-tuwa pa si Kaye dahil inilibot ko siya sa mga lugar na gusto niya. Masaya talaga siyang kasama, medyo maingay nga lang. Nang makarating kami sa bahay ay naabutan namin na kumakain yung mag-aayos samin. Pina-kain ni manang yun sigurado.
---
"Ang ganda-ganda ninyong dalawa. Mukha kayong mga prinsesa." sabi ni manang samin nung bumaba na kami ni Kaye sa sala.
"Thank you po manang." nakangiting sabi ni Kaye habang inaayos ang gown niya.
"Ah manang.. Magda-drive po ako. Kayo na po ang bahala dito." sabi ko habang yakap si manang.
BINABASA MO ANG
FIGHT OR LOVE?
Teen FictionThe story is about Ms. Student Council President and Mr. Fraternity leader.