Denver's POV
Kinakabahan akong kumprontahin si Supremo ngayon. Naka-ngiti kasi siya habang naka-tingin sa labas nitong kotse niya.
Nagda-drive nanaman si Emman kasunod ng kotse ni Ms. Psyche. Bati na ba sila ni Ms. Psyche? Para nag-usap lang sila sa labas kanina eh.
Pero ang tanong ko talaga eh kung saan kami dadalhin nung magka-kapatid na Milan. Puro nalang talaga byahe ang sembreak na 'to.
After 1 hour
"Ahh! Takte! Ang init ng puwet ko!" reklamo ni Emman na kasabay kong lumabas ng kotse.
Nang tumingin ako sa paligid ay naka-baba na din ang mga babae sa sasakyan nila.
"Woah! Ba't andaming tao dito? Anong lugar 'to?" Zhorenn.
"Psh! Parang ngayon ka lang nakakita ng maraming tao 'tol ah. Palibhasa walang tao sa planera niyo." Kurt
"Tsk! Tsk! Palibhasa kahit iba ang planeta ko, mas gwapo pa rin ako sa'yo." sagot ni Zhorenn kay Kurt.
Psh! Dito pa talaga napili ng dalawang 'to mag-asaran..
Di ko na pinakinggan ang dalawa at tumingin ako sa paligid. Madami talagang tao dito. Merong mga nagtitinda ng laruan, lobo, ice cream at kung anu-ano pa sa daan.
Kung di ako nagka-kamali, plaza ang tawag dito. Andaming banderitas.
Napansin kong lumapit sa'min sina Ms. Psyche kaya walang habas namang bumaba sa kotse niya si Supremo. Psh! Papansin masyado si Supremo..
"Ba't dito tayo nag-park?" inis na tanong ni Supremo.
"Bawal kasing ipasok ang mga sasakyan dito. Tsaka meron daw kasing perya dun sa likod ng plaza." sagot ni Ms. Psyche.
Halatang di natutuwa ang mga kasama niya pwera kina Geraldine at nung bestfriend niya pati yung kapatid ni John.
Kumunot bigla ang noo ni Supremo dahil dun.
"Are you going to join us there?" tanong ni Ms. Psyche.
Tinanaw ko ang sinasabing lugar ni Ms. Psyche pero di ko masyadong makita dahil may mga kumpolan ng tao.
"Anong gagawin?" inip na tanong ulit ni Supremo.
"Papa Andrein, sama ka na. Enjoy dun promise." sabi nung bestfriend ni Ms. Psyche.
"Can't we just find another place? Andaming tao diyan oh." andami namang reklamo nitong si Supremo! Mukhang masaya naman ang lugar na yun eh.
Kita kong nauna nang maglakad yung apat na magkakapatid at sinundan naman sila nina Flux, Kurt, Emman at Zhorenn. Hay! Manyakis nga pala yung mga yun. Sasama din ba ako? Mabuti sana kung andito si Hannah.
Isinuot ni Ms. Psyche ang shades niya. "So you won't coming? We'll go ahead now. Just wait for us in two hours." tumalikod na si Ms. Psyche kaya tinignan ko si Supremo.
Bumuntong-hininga sya at nag-suot ng cap at shades din tsaka bumulong ng "Disgusting!" haha!
Sumunod siya kay Ms. Psyche kaya ganun din ang ginawa namin nina John, Karen at Geraldine.
Flux's POV
"Ang pangit naman nyan. Mas bagay sa'yo yang pula.." suhestyon ko nang dampotin ni Ash ang kulay green na damit na inis na ibinalik niya din agad sa lalagyan.
Dumampot ulit siya ng orange na pantalon kaya tinignan ko. "Ang pangit ng style, pang maka-luma."
Sinamaan niya ako ng tingin kaya tumingin ako sa ibang direksyon.
BINABASA MO ANG
FIGHT OR LOVE?
Teen FictionThe story is about Ms. Student Council President and Mr. Fraternity leader.