Jhean's POV
Papunta ako sa library habang nagme-memorize para sa exam nung may masalubong akong mga nagtatakbohan. Huminto ako sa gitna mismo ng hallway at pina-nood ang mga tumatakbo hanggang makalampas sila sakin. Hindi naman nila ako binu-bunggo. Ano bang meron?
Sinundan ko ng tingin kung saan sila papunta at balak ko na rin sanang sumunod sakanila nang bumungad sakin bigla ang mukha ni Kaye.
Hinihingal din siya at sa tingin ko ay tumakbo din siya. Diba tapos na yung Zombie Run? May part 2 ba yun?
"S-sis--kaila-ngan-m-mong--m-malaman--" bago pa siya makapag-salita ulit ay tinakpan ko ang bibig niya para matigil pero inalis ko naman agad.
"Breathe first." sabi ko saka siya hinila dito sa gilid ng hallway dahil may mangilan-ngilan pang tumatakbo.
"May marathon ba sis? Ba't sila takbo nang takbo?"
Ibinalik ko ang tibgin kay Kaye at mukhang okay na siya. "At ikaw, ba't ka din tumatakbo? Kasali ka sa kanila?" tanong ko.
Sunod-sunod naman ang iling niya. "Hindi ah. Hindi ko nga sila kilala eh. Naki-sabay lang ako." tapos nag-peace sign pa siya kaya napa-iling ako.
"What's that?" sabay turo ko sa papel na hawak niya.
"Ay oo sis, eto ang ipapakita ko sayo kaya ako tumatakbo." sabay abot niya sakin nung papel at tinignan ko yung mga nakasulat. Hand writing ni Kaye.
Annielee Cruz- BS Nursing -- 1st year
Mickey Concho- BS Education -- 2nd year
Sunshine Perez- BS Education -- 1st year
James Amparado- BS Criminology -- 3rd year
Lucas Tan- BS Management -- 3rd year
"Ano 'tong mga 'to?" kunot-noong tanong ko.
"List of names sis." sabay ngiti.
Tinignan ko siya ng masama dahilan para sumeryoso siya.
"Sis naman eh. Nagjo-joke lang, naka-paskil yan dun sa table ni Sir Cashier at pati din sa table ni Ms. Registrar. Sabay-sabay kasing nag-drop yang mga yan kahapon."
Napa-isip naman ako bigla. Pero bakit naman gusto 'tong ipakita sakin ni Kaye?
"And then?" tanong ko. Ano namang kinalaman ko dito?
"Nag-drop daw sila dahil sa Black Hawks."
Natigilan naman ako dahil sa sinabi ni Kaye. Dahil sa Black Hawks? Oh come on! Akala ko ba tapos na ako sakanila? Bakit parang mas malala 'tong ngayon?
"Tss. Sakin na ba 'to?" tanong ko kay Kaye at tumango naman siya. "Sege, thanks, see you later." tsaka ako naglakad pabalik sa Admin Building.
BINABASA MO ANG
FIGHT OR LOVE?
Fiksi RemajaThe story is about Ms. Student Council President and Mr. Fraternity leader.