After 1 week
WFU's GLODEN ANNIVERSARY
Jhean's POV
Kanina pa ako tingin nang tingin sa wrist watch ko. Ang tagal namang magsimula! Magri-ribbon cutting muna kasi bago mag-fun run. As expected, lahat ng mga estudyante nagpa-print sa white t-shirt nila ng..
WESTERN FORD UNIVERSITY
Golden Anniversary
KEEP MOVING!
Merong zombies na hahabol samin sa fun run at uulan din ng colors sa finish line. Ayoko sanang sumama sa fun run na 'to dahil kami nga ng grupo at ni Weymann ang facilitator sa event, kaso itong si Kaye ay mapilit.. Tss..
"What time ba ang start nito sis? Inaantok na ako eh." *yawn* haha! 5 am palang kasi andito na kaming dalawa. Kami kasi ang magpapa-attendance.
"I don't know, we have to wait for the university heads bago magsimula." Alas-otso na kasi at kahit ako din ay inaantok na.
"Good Morning, Psyche." nakasimangot na tinignan ko si Ford na naka-ngiti sa harap ko. I give him the ballpen and point the attendance sheet.
"Morning." tipid na sabi ko. He just smile and start writing his name.
"Ang sungit mo naman yata ngayon." inabot niya sakin ang ballpen pero nung kukunin ko na ay bigla niyang kinabig ang ulo ko then he kissed me on my forehead.
Dahil sa pagka-bigla ay hindi agad ako naka-kibo.
"Aww.. Ang sweet naman ni papa Irvin.. Yii~~" pumapalakpak na sabi ni Kaye sa gilid ko.
"Haha. See you later, Psyche." kumindat pa siya bago umalis. Bakit ba ang hihilig nilang gumawa ng mga bagay na magiging dahilan para matigil sandali ang oras?
"Sis! Magsisimula na daw ang program! Let's go na!!" sabay hila sakin ni Kaye at saka lang ako naka-balik sa katinuan. Haha!
Nang maka-rating kami sa tapat ng stage habang hawak ang mga papel ay natanaw ko na ang mga heads ng school papunta sa ribbon cutting area.
Nung ma-cut ni Dr. Almira Ford Ramires ang ribbon ay tumugtog ang band ng WFU at nagpalakpakan naman kami.
Nagsimula na din siyang mag-speech kaya binnigay ko na sa secretary ang mga attendance sheet.
"Waaa.... Sis! Don't leave me ha? Takot ako sa zombies eh." nanginginig na humawak si Kaye sa braso ko. Baliw talaga.
"Tss... Hindi naman totoo yun eh. Umayos ka nga diyan." sabi ko habang itinatali ang buhok ko. Mapaplaban ako sa takbohan. Hay!
Matapos mag-speech ni Dr. Ramires ay pinaputok niya ang isang kwitis na ang ibig sabihin ay magsisimula na ang fun run kaya nagsimula na din kaming maglakad.
BINABASA MO ANG
FIGHT OR LOVE?
Teen FictionThe story is about Ms. Student Council President and Mr. Fraternity leader.