Jhean's POV
After that confession scene naming dalawa ni Weymann ay di ko na siya nakita this whole week but that is not a relief dahil nabalitaan ko mula sa mga ka-officers ko na gumagawa nanaman ng gulo ang Black Hawks.
Hay! Di ko pa nga pala napaparusahan si Weymann at Ford dahil sa nagawa nilang away nung nakaraan. Bakit ba kasi ang hihilig ng mga lalaki sa away?
Madalas ko ring marinig na nag-iinuman ang Black Hawks sa kabilang bahay. Pero wala naman akong balak na silipin kung sinu-sino ang mga nandun.
---
FRIDAY
8:00 AM
Naglalakad ako ngayon sa hallway nang masalubong ko ang Black Hawks. Teka, ba't puro pasa ang mga mukha nila? Yung iba merong mga band-aids. Napansin ko ring di nila kasama si Weymann anyway, di ko na concern yun.
"Good Morning Ms. SC Pres!" bati ni Emman.
Tumigil silang lahat sa tapat ko kaya ganun din ang ginawa ko.
"Good Morning. Napa-daan yata kayo dito ngayon?" isa-isa ko silang tinignan at lahat naman sila ngumiti sakin.
"Uhh..hindi..uuwi kasi kami." Kurt.. Huh? Uuwi? Eh class hours diba?
"Wala ba kayong pasok?" nagtinginan sila nung itanong ko yun. Some thing's weird with these guys.
"Nagpa-excuse na kami." Denver. Wow! Meron silang kanya-kanyang speech.
"Alright. You can go now." umusog ako paunta sa gilid para bigyan sila ng daan.
"Sege. Alis na kami." Emman.
Sabay-sabay silang umalis kaya naglakad na din ako.
Nang makarating ako sa library ay dinig na dinig ko ang mga bulongan ng mga estudyante dito sa loob.
"Nakita mo ba talaga na nag-aaway ang Black Hawks at frat nung ibang school kahapon?"
"Oo grabe, nakakatakot sila. Pakiramdam ko nga magpapatayan na sila eh."
"OMG! Eh si papa Andrein, nakita mo?"
"Yes. And he's good sa pakikipag-laban. Alam mo bang ngayon ang re-match ng grupo nila?"
"Oh god! Alam mo kung saan yun?"
"Hindi eh. Sayang, maganda sanang manuod."
"Are you aware that this is a library, ladies?" putol ko sa usapan ng dalawa. Eh pano, tsismisan sila nang tsismisan dito.
"uhh.. Sorry po.."
"Sorry Miss Kastler."
Sabay silang umalis matapos kong sabihin yun. Hay! Teka, tama ba yung narinig ko na nakikipag-away ang Black Hawks sa ibang fraternity? At re-match ngayon?
Sabi nila wala silang pasok? Tss. Ano naman kayang nakukuha sa pakikipag-away? Bukod sa sakit ng katawan, ano pa kaya?
Hanggang ngayon di ko pa rin makuha ang sagot. Tsk! Ang sakit nila sa ulo.
~I can't stand to fly--
Lumabas ako ng bahay at saka sinagot yung tawag. Si kaye pala.
"Problem?" salubong ko.
[uhmm..ano kasi sis...uhmm] napa-kunot tuloy ang noo ko. Problema niya?
BINABASA MO ANG
FIGHT OR LOVE?
Teen FictionThe story is about Ms. Student Council President and Mr. Fraternity leader.