Geraldine's POV
"Eto, eto pa, this, this one, another and this too. Yan ang pag-aaralan mo para maka-habol ka sa darating na exam next, next week. Aside from that, meron kang 10 subjects na papasokan and since block section ang engineering." sabi ni principal matapos mailagay ang mga naka-patong na modules sa lamesa nya.
Hindi ko maiwasang di magulat dahil sa dami ng dapat kong pag-aralan. Hindi naman sa hindi ko kaya, kaya lang syempre mahirap isabay yun sa pag-pasok ko araw-araw sa iba't-ibang subjects.
"Do you get me, Ms. Galvez?" ay syete! Nawawala ako sa katotohanan sa harap ni principal.
"Opo Mr. Lacson." medyo strikto pala talaga to si Mr. Lacson lalo na sa mga babae gaya ng sabi ni ate Psyche sakin.
"Good! Good luck to your stay here in WFU. Natuwa ako dahil padami na nang padami ang mga nag-aaral na matatalinong estudyante dito and you're one of them. I'm expecting you to achieve more than I expect Ms. Galvez. Please accept my challenge."
Ngumiti ako dahil sa sinabi ni Mr. Lacson. "Thank you po. Pangako po gagalingan ko."
Kahit naman di niya ako bigyan ng challenge, pagbubutihan ko. Kasi, madami akong pangarap at nasa unang step na ako. Tutolongan ko si auntie at ang mga piunsan ko. Pagbubutihin ko din para kay Ate Psyche na napaka-bait sakin at si Ate Kaye din.
"That's good! Alright, go ahead. Have a great day!"
Ngumiti at yumuko ako kay Mr. Lacson tsaka kinuha ang lahat ng modules ko at dahan-dahang lumabas ng opisina niya.
Halos maubos ang energy ko sa pag-buhat nitong mga modules ko. Dagdag pa 'tong engineering book na hiniram ko kanina sa library.Diyos ko! Di proportion sa timbang ko ang mga dala ko. Dagdag pa ang pag-iwas ko sa mga dumadaan.
Halos malaglag na ang salamin ko at di ko maayos dahil meron nga akong anim na modules na 2-inches ang kapl bawat isa. Pagod na ako! Ang layo pa ng locker dito sa Admin Office at sobrang dami ng hagdan. Unang araw ko pa lang pero parang matutuyo na ang utak ko.
Nasa huling hakbang na ako ng hagdan pababa nung mahulog yung isang module ko sa humanities dahil inilagan ko yung lalaking nagte-text paakyat.
Lumuhod ako pero straight pa din ang upper body ko dahil dala ko pa ang limang modules ko at malapit na ding mahulog ang salamin ko. Di na to pwedeng mabasag dahil bigay to sakin ni Ate Psyche. Lahat ng pinamili namin nung isang araw sa mall ay sakin nila binigay.
"I got it." nakita ko ang lalaking lumuhod at kinuha ang module ko na di ko makapa kung sa'n napunta. Siya yung nagte-text kanina.
Aabotin ko na sana pero di ko makita ang kamay niya dahil naka-harang 'tong mga modules sa harap ko dahilan para malaglag lahat ng modules. Ay naku naman! Mabilis kong hinablot yung isang module tsaka inayos ang salamin ko.
"Ako nalang." sabay kuha niya nung natitirang modules na di ko nakuha. Tinignan ko lang siya hanggang sa maka-tayo na siya.
BINABASA MO ANG
FIGHT OR LOVE?
Teen FictionThe story is about Ms. Student Council President and Mr. Fraternity leader.