Alonna's POV
"Square root of 4 is 2, 9 is 3, 16 is 4, 25 is 5, 36 is 6, 49 is 7, 64 is 8, 81 is 9, 100 is 10, 121 is 11, 144 is 12, 169 is--"
"Alonna.." huh?
"Square root of-- aish! Ano na ba yun? Ano ba kasing--" siya nanaman? Ayaw talaga akong lubayan ng gorilla na 'to.
"Wait Alonna, wag ka munang maha-high blood please.." nag-cross fingers pa siya.
"Panong hindi eh nagme'memorize ako tapos nakalimutan ko na dahil istorbo ka!" sabi ko habang nagliligpit ng mga gamit ko..
Nananahimik ako dito sa cafeteria tapos biglang mang-iistorbo ang taong 'to.
"Teka, saan ka pupunta Alonna?"
"Sa malayo, yung 'di mo ko makikita.." tumayo na ako pero humarang siya sa dadaanan ko sana. "Umalis ka nga diyan.."
"Alonna please, mag-usap tayo oh."
"May dapat ba tayong pag-usapan ha, gorilla?"
"Sa gwapo kong 'to, gorilla lang ang itatawag mo sakin?' mahangin.. Tsk!
"tss! Bahala ka nga diyan!"
Naramdaman ko ang pag-hila niya sakin at waaa! Pinahiga niya ako sa sahig at dinaganan... Waaaa! RAPE! MANYAK!
"Umalis k---hmmm mmm.." waa! Ang bibig ko! Tinakpan niya..
Lumingon ako sa gilid at pinagtitinginan kami ng mga estudyante. Maka'takas lang ako dito isusumbong ko talaga 'to sa school administrator... Waa! Sis! Help!
"Ayan.. Siguro naman makikinig ka na sakin. Ngayon, sasama ka sakin at hindi ka magre'reklamo, maliwanag?"
Sasama? Sasama saan? anong gagawin niya sakin?
"mmm--mmm--MMM!!" ang bigat nya waaaa!
"tsk! Ang kulit! Sege, maghapon tayong ganito pag di ka pumayag. Ikaw din, pinagtitinginan na tayo ng mga students dito.."
ANO?! Baliw na siya! Ano ba kasing gagawin namin? May quiz pa ako eh!
"Ano, sasama ka na o hindi?" ano bang magagawa ko? Kesa naman maghapon kaming nasa ganito ka-awkward na position..
Tumango nalang ako at napa-ngiti naman siya. Tapos tinulongan niya akong tumayo. Papagpagan niya pa sana ang pants ko pero pinigilan ko siya. Manyak talaga..
"Sa'n ba kasi tayo pupunta?" inis na tanong ko.
"May ipapakita ako sa'yo, Alonna."
"Hmm? Ano naman ang ipapakita mo sakin?" I frowned.
"Tsk! Mamaya na. Excited ka naman masyado. Pupuntahan kita sa classroom mo mamaya ah? See you soon.." kumaway pa siya bago umalis.
Hay! Ngayon, magsisimula nanaman ako sa umpisa nito magmemorize! Nakakainis talaga ang gorilla na yun..
---
"Alright, here's the result of your quiz. Ms. Zimmer, you got a perfect score. Congratulations!" sabay abot ni Ms. Vibar ng quiz result ko.
Yiii~~~ ang saya! Perfect ako! Hahaha!
Di ko na pinakinggan ang results ng iba kong kaklase at nag-selfie nalang ako habang hawak ang quiz sheet ko.
Akala ko talaga, hindi ako makaka-perfect. Wooo! Dadagdag ang allowance ko! Yes!
"Alright, class dismissed." pagkasabi nun ni Ms. Vibar ay tumayo agad ako at kinuha ang mga gamit ko saka diretsong lumabas ng pinto.
BINABASA MO ANG
FIGHT OR LOVE?
Teen FictionThe story is about Ms. Student Council President and Mr. Fraternity leader.