CHAPTER 34- TRUTHS BEHIND PART 2

6 1 0
                                    


Geraldine's POV

"Pati ba ang nagpa-dala sa'yo ng sulat na 'to si Dante Jimenez din?"


-FLASHBACK-


"Geraldine Galvez."


Napa-tigil ako sa pag-takbo nang may huminto sa gild ko at nag-salita. Naka-shades siya at naka-cap. Meron din siyang uwak ah eheste hawk na tattoo sa leeg nya at ang boses na yun..


"Sino ka?" tanong ko. Di naman siya tumingin sakin pero may iniabot siyang papel sa'kin kaya kinuha ko naman. Tapos bigla nalang siyang tumakbo.


"Ano kaya 'to?" tanong ko sa sarili ko habang binubuksan ang sulat.


Biglang nanginig ang buong katwan ko nang mabasa ang naka-sulat sa papel. Napa-lunok ako at dahan-dahang itinago ang papel sa bag ko.


[Classmate ko si Jheanivive Psyche Kastler at kaklase din ng dalawang kasama ko si Alonna Kaye Zimmer. Kung ayaw mong ihulog ko din sila mula sa 3rd floor sa harap mo ay wag kang magkakamaling mag-sabi ng kahit ano sa kanila.]


-END OF FLASHBACK-


Emman's POV

"Oh tapos, anong bakbakan ang ginawa niyo?" walang ganang tanong ni Denver kay Flux.


"Hahaha! Ay naku 'tol. Kahit na i-kwento ko pa sa'yo di ka naman makaka-relate eh. Tsaka mai-inggit ka lang."


Napa-kamot nalang ng ulo si Denver dahil dun.


"Hoy Emman, pa'no niyo naman ginawa yung plano?" binato ako ni Kurt ng mineral water na nasalo ko naman.


-FLASHBACK-


"Hoy Geraldine, gusto mo yatang ma-perfect ang quiz natin ah.. haha!"


Tumingin pa ako sa notebook niya pero wala namang sulat iyon maliban dun sa coupon bond na nasa harap niya. Bigla ko yung kinuha na ikinagulat niya.


"E-Emman, ibalik mo sakin yan!" pilit niyang kinukuha yung coupon bond pero itinaas ko yun at nabasa ko ang naka-sulat dun.


"Sino ang nag-bigay sa'yo nito?" tanong ko habang hawak pa din yung sulat.


"Hi-hindi ko alam." halatang takot at kinakabahan ang boses niya.


"Wag kang matakot... sabihin mo na sa'kin." saka ko ibinalik sakanya ang papel.


"Tutulongan mo ba ako kung sasabihin ko sa'yo?"


Kumati bigla ang ulo ko dahil sa tanong ni Geraldine. Tulong?


"Oh sege."

FIGHT OR LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon