[2] Enthusiastic Princess

93.9K 2.7K 167
                                    

-Chapter 2- Enthusiastic Princess

PRINCESS' POV

"Uh, Miss?"

Naramdaman kong may tumapik ng braso ko. Hayy! Istorbo naman. Inaantok pa ako e. Mas lalo kong hinigpitan ang yakap sa unan ko.

"Miss??"

"Hmm..." Ano ba yan! This time, medyo gumagalaw naman ang unan ko kaya naman minulat ko na ang mga mata ko nang dahan-dahan hanggang sa...

"Hala, sorry po!" Mabilis kong inilayo ang katawan ko kay Kuyang katabi ko sa... OMG! Nasa eroplano nga pala ako. Nakatulog pala ako, hindi ko man lang namalayan.

Mabilis akong tumingin sa bintana at tila nagningning ang mga mata ko nang makita ang mga ulap.

"Kuya, nasaan na po tayo?" tanong ko dun sa katabi ko. Actually, hindi ko siya kilala pero it's not bad naman na maging friendly diba?

"Uh, hindi ko--"

"Malapit na po ba tayo sa Hong Kong?" excited na tanong ko kay Kuya. Napatingin lang siya sa paligid niya at tumango sa akin. Kaya naman... "Waaah! Talaga po? Naeexcite na ako! Hindi lang po halata pero excited talaga ako, Kuya."

Ngumiti lang siya sa akin nang matipid tapos bumalik na siya sa kung anumang librong binabasa niya. Ako naman, syempre dhail sabi ni kuyang katabi ko a malapit na kami sa Hong Kong inayos ko na ang sarili ko.

☑ My Disney printed shirt 

☑ My long hair na hindi man kasing haba ng kay Rapunzel, kasing ganda naman ng kay Mulan 

☑ My lips tinted with a bit of red 

Nilabas ko yung wallet ko tapos kinuha ko dun yung maliit kong mirror. Sinadya ko talaga na itago yun sa wallet ko para makalusot kanina sa inspection. As I looked at the mirror, I saw the beautiful me and I can't help but say; "Mirror, mirror on my hand. Who is the fairest of them all?" 

Sa gilid ng mga mata ko, nakita kong tumingin si Kuya sa akin kaya tinignan ko rin siya at nginitian. "Ilang oras nalang po ba ang byahe, Kuya?"

"Baka in 30 minutes nandun na tayo."

At dahil dun, mas trumiple ang excitement ko! Waah! Ito na talaga, Princess. Itong ito na talaga! Makikita ko na ang boyfriend ko, makakapunta pa ako sa HK Disneyland!

"Naeexcite na talaga ako, Kuya. Ikaw ba, naeexcite na?"

As usual, matipid siyang ngumiti sa akin. Whoa, shy type yata siya. "Ano pong gagawin mo dun?"

"Business trip..."

"Cool!" komento ko. "Ako naman po fieldtrip. Joke! Bibisitahin ko po kasi yung boyfriend ko na nagtatrabaho sa Hong Kong. Magdadate po kami sa Disneyland at baka nga po magpropose na po siya sa akin ng kasal dun, Kuya! Promise, itong pagpunta ko ngayon sa Hong Kong, ito ang magiging pinakamasayang araw ko."

"Ahh, goodluck," sagot ni Kuya at hindi na ako muling tinignan. Mahiyain nga.

Basta ako? Kyaaaah! Naeexcite ako! Hindi na ako makapaghintay. 

Napatingin ako nang may dumaan na flight attendant kaya naman tinawag ko siya with all smiles pa. "Miss!"

"Yes?" Tumigil siya sa tabi namin.

"Are we in Hong Kong yet?" English dapat para masanay ang dila ko sa pakikipag-usap kapag nasa Hong Kong na ako.

Ngumiti lang sa akin yung flight attendant sabay sabing, "Yes, we're almost there, Ma'am."

"Really? Kailangan kong ibalita kay Mae 'to," sabi ko at inilabas ang phone ko nang pigilan ako ng flight attendant.

"Ma'am, you can't use your phone now."

Napapout ako. Aww, sayang. I kennot contain my feels pa naman. "Sorry!"

"It's okay."

Sumalampak ako sa seat pagkaalis nung flight attendant. Hindi ko alam kung uber lang ako sa ka-excitement-an o talagang nabobore lang ako dahil ang tatahimik ng mga pasahero. Ni walang nagsasalita o kumikilos. Si kuya nga na katabi ko ay nakatulog. Gisingin ko kaya? Ay, 'wag, Princess. Masyado ka nang FC nyan.

Tumingin ulit ako sa paligid. Sa kabilang seat ay may nakaupong babaeng nagmemake-up, sa katabi naman niya ay may lalaking nakikinig ng music. Yung sa harap naman niya may nakaupong nakapangalumbaba na lalaki. Ang sad niya ah! Kung gaano ako kasaya, siya naman 'tong ganun kalugmok. Oh well papel, basta ako naeexcite talaga!

Haaaaay!! Eh kung gamitin ko nalang kaya ang magic carpet ni Alladin, makakarating kaya ako sa Hong Kong agad-agad? I can't wait anymore.

3rd Person's POV



Basti was terribly disappointed of what happened earlier at the airport. His Sister, Leila came but she told him that she cannot come with him to Hong Kong anymore for some reasons. So, here he is, going on a trip alone. Again, for the nth time of his 19 years of existence.

But still, he's hoping that his family would be able to meet him in Hongkong even if takes forever.

He's used to being ditched, yet he still keeps his hopes up that one day they would come with him.

-

A/N: Sabi sa inyo, maikli lang bawat updates eh. So, anong say niyo sa ka-hyper-an ni Princess? Hahaha! Bukas ulit!

The Magic In You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon