[41] Magic In Princess

41.3K 1.4K 75
                                    

-Chapter 41- Magic In Princess

Princess' POV

Huling gabi ko na ngayon sa Hong Kong at ito ako ngayon, nag-eempake na ng mga damit ko. Halos handa na ang lahat sa pag-alis ko. Nakabili na ako ng mga pasalubong para sa pamilya ko lalo na sa mga pamangkin ko at kung ano-ano pa.

Ako nalang yata ang hindi pa handa.

"Princess, stay in touch. Mamimiss kita lalo kahit na hindi na tayo gaanong nagkikita," malungkot na sabi sa akin ni Sam. Dinalaw niya ako ngayon sa quarters dahil nagpaalam ako sa kanyang aalis na ako. Afterall, siya ang unang naging bestfriend ko dito sa Hong Kong.

Ngumiti lang ako sa kanya ng tipid at pinagpatuloy ko ang pag-eempake ko. 

"Bakit mukhang hindi ka yata masaya? Diba gusto mo nang umuwi sa Pinas?" tanong niya.

Natigilan ako saglit. Bumuntong-hininga ko at saka isinara ang maleta ko. Umayos ako ng upo sa kama at pagkatapos ay hinarap si Sam na ngayon ay nakaupo sa upuan.

"Ang bigat ng loob ko sa pag-alis, Sam."

As if on cue, may kumatok sa pintuan kahit bukas ito. Pumasok si Manang Helen at base sa mukha niya, nalulungkot din siya pero ayaw niya lang magpahalata.

"Princess, nasa labas si Basti. Gusto ka niyang makausap," sabi niya at mabilis na umalis. 

Mas lalong pakiramdam ko ay pinipiga ang puso ko tuwing iniisip ko si Basti. Bukas na ang alis ko at nakakalungkot isipin na magpapalit kami ng sitwasyon. Yun nga lang, mas imposible nang magkita pa kami ngayon. Permanent resident na siya dito, samantalang ako ay magiging ordinaryong residente nalang ulit sa Pinas. Ito na nga marahil ang huling beses na pag-apak ko sa Hong Kong.

"Princess, sinong Basti?" tanong ni Sam at nang may marealize siya ay nanlaki ang mga mata niya. "Basti? Yung nag-upload ng video mo sa youtube?"

"Oo," sagot ko at tumayo na. "Tara, ipapakilala kita sa kanya."

Lumabas kami ni Sam sa quarters at pinuntahan namin si Sam dun sa bench kung saan ko nabuo ang kanta ko. Tahimik lang siyang nakaupo at parang malalim ang iniisip.

"Basti."

Nag-angat siya ng tingin tapos napatingin din siya kay Sam. "Basti, si Sam nga pala, bestfriend ko. Almost 3 years na din kaming magkaibigan."

Tumayo si Basti at humarap naman ako kay Sam. "Sam, si Basti. Alam mo na..."

Ngumisi lang si Sam saka niya inextend ang kamay niya kay Basti for a shake hand. "Cool, nakukuha ko na," side comment niya kaya napailing nalang ako. "Sige, maiwan ko na muna kayo. Nice to meet you, Pre."

Tumango si Basti sa kanya at hindi nagsalita. Umupo siya ulit sa bench at nabigla ako nang hawakan niya ang kamay ko at dahan-dahang hinila sa tabi niya sa bench. 

The Magic In You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon