[32] Too Cute

44.4K 1.7K 248
                                    

-Chapter 31- Too Cute

Basti's POV

Princess is really amusing. She knows how to take care of a kid. Nakalimutan ko tuloy bigla yung nagawa niya sa akin noon because she's just too cute. 

Habang pinagmamasdan ko sila ni Darren na naglalakad na magkahawak ang kamay, naisip kong mabuti naman siyang tao. I could see that she's genuinely kind. Nakikita ko yun sa mga mata at ngiti niya.

She knows how to make people comfortable with her instantly. 

"Daddy!"

I returned to my senses when Darren called me. Nakita ko silang dalawa ni Princess kasama ang isa sa mga dwarfs ni Snow White kaya lumapit ako sa kanila.

"Daddy, picture po tayo!" request ni Darren.

For some reason, I felt kinda uncomfortable taking a picture with Princess. Kaming tatlo magpapapicture? Well, can I say no?

"Kayo nalang dalawa," sabi ko at inilabas ang phone ko. 

"Ay, kayo nalang mag-ama. Akin na," sabi ni Princess at kinuha yung phone ko mula sa kamay ko.

Tinulak niya ako palapit kay Darren kaya wala na akong choice kundi ang makipicture. Two shots and we're done. I was about to step away when Darren requested again.

"Mommy! Kasama ka din po!"

"Ay, 'wag na."

"Sige na po!"

She smiled shyly at me and then shifted her eyes to Darren. "'Wag na, Darren. Tara na sa ibang rides?"

Alam kong naiilang siya sa akin ngayon, kaya naman hinila ko siya sa tabi ni Darren. "Uy, Basti. 'Wag na!"

"Let's take one photo together sabi ng anak natin," I murmured to her and took a selfie, or rather a groupic.

"Thanks!" I said to the masscot before he walked away. Napangiti ako nang tignan ko ang picture namin sa phone ko. "Nice shot."

"Yey! May family picture na kami!" Darren exclaimed in glee.

When I turned to Princess, I saw her blush like hell. May mas iku-cute pa pala siya.

Princess' POV

KYAAAAH! Ano ba! Sinabi na ngang iwasang kiligin pero kinikilig pa rin ako. Seryoso? Ba't feel na feel ni Basti na happy family kami? Na ako ang Mommy, si Basti ang Daddy at si Darren ang anak namin? Enebe.

Kasalukuyang nakasakay si Darren sa isang kiddie ride. Dahil nga kiddie ride iyon, hindi na kami sumakay dun. Besides, hindi naman dangerous 'yon sakyan.

"Ang saya ngayon ni Darren," sabi ni Basti out of the blue. Katabi ko siya habang pinapanuod namin si Darren.

"Oo, mana sayo."

Takip sa bibig. Napatingin tuloy sa akin si Basti at natawa nalang. WAAAH! Bunganga ko naman! Ba't 'di makontrol?

"Uh... I mean, ang cute talaga ng anak mo," palusot ko. Umubra ka, please!

Natigilan ako nang matulala sa akin si Basti sabay hagalpak sa tawa. As in, tumawa siya! Oo, talaga. Nagpatawa ba ako?

"Hindi ko siya anak."

Kumunot ang noo ko. Ano raw? 

"Hindi ko siya anak. He's just my nephew. He's the son of my sister who is really busy like my parents. You know, business people," paliwanag niya.

Wait. On process pa sa utak.

"Dinala ko siya dito ngayon para naman sumaya ang pamangkin ko. Naalala ko kasi ang sarili ko sa kanya e. Minsan lang niya makasama ang parents niya."

Aaahh... Okay. Okay. Okay. 

Nagbunyi ang kalooban ko sa sinabi niya. Kyaaaah!! So, hindi siya batang ama?! Kyaaaah! Okaaaay. Kalma, Princess. Kalma.

"Kaya ba gusto niyang magkunwari tayong happy family?"

"Oo. Mapilit e, kaya pinagbigyan ko na. Pasensya na huh?"

Ngumiti ako. "Sus, wala 'yon." Kahit totohanin pa nga natin e, gorabels! De joke lang. Dami ko pang tinutustusan sa Pinas.

"Kaya nga pabalik-balik ako dito sa Disneyland. Kagaya ni Darren, umaasa din akong makakasama ko ang parents ko. Pangarap ko talagang makasama sila dito sa Disneyland but that never happened," he sadly said.

"-- They promised me that they'll bring me to Disneyland but they never did. Kaya nga, ayokong maramdaman ni Darren yung naramdaman ko noon. Kahit nga ngayong malaki na ako at kaya ko nang pumunta dito sa Disneyland nang mag-isa ay iniinvite ko ang parents ko but still they never come."

Natulala nalang si Basti dun sa ride. Ewan ko ba pero ramdam ko yung kalungkutan niya. Kaya pala pabalik-balik siya rito.

"I'm sorry..."

Lumingon siya sa akin. Ngumiti lang siya sa akin ng malungkot. Hindi ko alam pero nakita ko nalang ang sarili ko na hinila ang braso niya saka siya ikinulong sa mga bisig ko.

"Princess--" he was stunned.

"Sshh... Sana mapagaan ko ang nararamdaman mo ngayon sa yakap ko. Ito lang yung magagawa ko e."

Naramdaman kong dahan-dahan siyang kumilos, at saka siya yumakap sa akin pabalik.

"Thank you," he whispered...

... and

"Mommy! Daddy! Sweet!"

Anobangbatangitobiglabiglanalangsumusulpot!

The Magic In You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon