-Chapter 6- Disneyland at Last
Princess' POV
"Mae, nandito na ako sa Hong Kong!!! Kyaaah!" Kausap ko si Mae sa phone. Actually, hindi ko pa rin kasi macontact si Charles kaya naisipan kong tawagan nalang muna si Mae para balitaan siya.
"Talaga? O, kamusta dyan?"
Napasalampak ako sa kama, at dumiretso na ng higa. Kasalukuyan akong nasa hotel suite ko ngayon. Kung pwede nga lang dumiretso na sa Disneyland ay ginawa ko na pero hindi pwede. Kamusta naman yung five frozen theme suit-cases ko diba?
"Okay pa sa alright, Mae! Grabe dito sa HK, hi-tech! Pati escalator nila, nagsasalita e. Pero 'wag ka, Mae, ang cute ng MRT nila dito. Nagselfie nga ako kanina e. Mamaya, iuupload ko sa facebook!" Humagikhik ako sa kilig.
"Nagkita--"
Hindi ko siya pinatapos kasi dinugtungan ko pa yung kinukwento ko. Hindi pa ako tapos e. "Ang bongga rin ng hotel dito, Mae! Yung mga tao naman dito palangiti lang. Naku! Pupunta na talaga ako mamaya sa Disneyland! Gusto mo ba ng fansign kay Cinderella?"
"Sira!" Natawa lang siya sa sinabi ko. Ganyan naman siya e, she makes fun out of me kapag nagfafangirl mode ako sa mga mahal kong prinsesa. Hmp! "Nagkita na ba kayo ni Charles dyan?"
Dun na ako natahimik. Si Charles na kanina ko pa kinocontact pero hanggayon ngayon ay hindi pa rin nagpaparamdam. Kunsabagay, maaga pa naman. Baka nasa trabaho pa siya hanggang ngayon.
"Hindi pa, pero sure namang magkikita kami mamaya. So, tawagan nalang kita ulit some other time, Mae. Aalis na ako. Kailangan kong sulitin ang oras habang nandito pa ako!"
"Osya. Mag-iingat ka dyan, Princess ha? 'Wag shushunga-shunga. Nasa ibang bansa ka na."
Napangiti ako ng malawak. Galing ako sa broken family kaya natutuwa ako dahil mayroon akong bestfriend na sumusuporta sa akin. Although, lumaki ako kasama ni Lola. Wala naman akong problema dahil mahal na mahal niya ako.
"Sige. Much love, Mae!" I said and then hung up. Huminga ako ng malalim at napatingin sa kisame. Nagningning ang mga mata ko nang makitang ang classic ng design ng kisame. "Kahit ngayong araw lang, magpapakafeeling turista ako!"
Itinaas ko ang kamay ko sa ere sabay sabing;
"See you Disneyland!!!"
***
Gusto kong tumili at magtatatalon sa mga oras na ito pero hindi ko magawa. Bagkus, napatakip nalang ako sa bibig ko at napatitig sa entrance ng Disneyland.
OMG. Dream come true, Princess!! Nandito ka na sa Disneyland.
"Ano ba 'to. Naluluha ako sa sobrang saya," bulong ko sa sarili ko habang naka-smile at pout pa. Talent ko yun! Ang pagsabayin ang pout at smile. "Absorb the air, Princess! Nalalanghap mo na ang hangin ng Disneyland!" sabi ko sa sarili ko. Goosebumps!
Finally! Nakapasok na ako sa loob ng amusement park. Feeling ko, isa na akong tunay na prinsesa lalo na nung makapasok na ako sa animo'y palasyo! Kyaaaaah! Parang yung palasyo lang sa mga napapauod kong Disney movies.
Nagspark ang mga mata ko nang makita ang iba't-ibang rides at attractions. Hindi ko alam kung anong uunahin ko. Medyo maraming tao sa mga oras na ito pero waley akong care 'cause I only care about where I am right now!
"Ang laki naman dito. Kasing laki yata ito ng Quezon City," sabi ko sa sarili ko habang nililibot ko ng tingin ang buong paligid. Buti nalang may nahagip ako ng tingin na guide maps kaya tumakbo ako at kumuha ng isa.
"Guide map, tulungan mo ako. Anong uunahin ko?" Ini-scan ko yung map hanggang sa...
Nakita ko nalang ang sarili ko na nasa pang-anim na ride na ako at iyon ay ang Cinderella Carousel. Isa lang yun sa mga naexperince ko including ang Sleeping Beauty Castle, Snow White Grotto, Animatio Academy at iba pa!
Sa sobrang energy na narelease ko, nakaramdam ako ng pagod kaya umupo ako dun sa isang bench habang hindi pa rin naaalis ang ngiti sa labi ko. Sobrang saya! OMG. Dream come true talaga!
Pinagmasdan ko ang buong paligid. Walang ni isang tao ang makikita mong nakasimangot. Lahat nakangiti. Indeed, this is the happiest place on earth! Mapabata o matanda, welcome dito. Ang saya dito! Kaya nga, may isa pa talaga akog wish... na alam kong hindi naman inposibleng mangyari.
Sighs dreamily.
At iyon ay dito maganap ang pinaka-magical moment ng buhay ko. Gusto kong masimulan 'yon sa lugar na ito.
... kasama ni Charles.
Gagawa kami ng sariling version namin ng happily ever after.
3rd Person's POV
In contrast to Princess' glee, there was this sad guy who was walking along amidst the happy crowd of Disneyland.
He drew a heavy sigh as he noticed that the parade was about to start-- the parade which he's been wishing to watch together with his parents.
But it never did happen.
The first float started to appear in the street and the crowd was starting to get excited by it. Much more to his dismay, he saw a family next to him. The family looks very happy. He could help but feel envious.
"How I wish I could have a family like them," he thought to himself.
He fished out his phone and took a photo of the passing Disneyland's facade. He posted it right away on his instagram with a caption...
'Still waiting'.
He then sighed in disappointment. Please, not again. Please, come, he thought.
A/N: Bukas ulit! :DDD

BINABASA MO ANG
The Magic In You [Completed]
ChickLitThis all about me and him.... and the magic. Collaboration with sarakasheee Wattpad Presents: April 13-17 on TV5 Book cover made by @minmaeloves