-Chapter 25- The Reason Behind The Mess
Basti's POV
She's that darn girl! Hindi ako pwedeng magkamali. Natatandaan ko pa ang mukha niya!
"Yes, that was me," sagot ng Instik na 'to. Parang nagtataka pa siya sa nangyayari. "But your friend asked me to do it. She paid for me. Are you guys cool now? Seems like it though."
Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya. My friend asked her to do it?! Who the hell is she talking about?
And then, my eyes shifted to Princess who was dumbfounded. Palipat-lipat ako ng tingin sa Intsik at kay Princess. Now I'm getting this whole thing!
"Excuse me, I think I need to go," paalam ng Intsik saka ito tumakbo palayo.
Kami nalang ang naiwan ni Princess sa labas. She looked scared and was teary-eyed.
"Totoo ba yung sinabi niya, Princess?!"
"Basti--"
"Totoo ba?!"
Yumuko siya at saka tumango. Sh1t! So, she was the reason behind that mess.
"I'm sorry, Basti. Binayaran ko siya para gawin yun. Gusto ko kasing maghiganti sa ginawa mo sa akin noon," she explained guiltily, her voice shaking. "Pero pinagsisisihan ko naman 'yon. Nadala lang ako ng galit. I'm sorry, Basti."
I exhaled in annoyance and just walked out on her. I thought she was nice, heck, I thought wrong. I'm very disappointed of her.
Princess' POV
"Manang, hindi ko naman po alam na ganun yung mangyayari e. Nakakainis!"
Kanina pa ako umiiyak sa kwarto ko. Hindi ako mapakali! Basti walked out on me earlier! Nagalit talaga siya sa akin. Sino ba namang hindi? Ako lang naman yung may pakana kung bakit sila nagbreak ng girlfriend niya noon. Ano ba yan! Ano ba kasing pumasok sa kukote ko nung mga panahong iyon?
"Bakit kasi ginawa mo pa 'yon? Sana pinalagpas mo nalang at pinaubaya mo nalang sa mangyayari," sermon sa akin ni Manang Helen habang hinahaplos ang buhok ko.
Binaon ko lang ang ulo ko sa unan habag nakadapa ako at pagkatapos ay napako ang atensyon ko sa bulaklak na ibinigay sa akin ni Basti kanina. Bilang ina ko dito sa Hong Kong, kay Manang Helen ako nag-open up ng problema ko. Kung sasarilinin ko lang 'to, baka sumabog lang ako.
"Kung alam ko lang pong mangyayari ito, hindi na sana ako naghiganti pa. Ngayong narealize ko na baka siya na po yung Prince Charming na hinihintay ko," sabay hinga ko ng malalim.
Hinampas-hampas ko ang unan ko sa inis.
"Ang tanga ko kasi! Pinalagpas ko pa! Dahil sa ginawa ko, baka hindi na kami magkita." Bumangon ako at hinarap si Manang. "Galit na galit po siya e."
Pinunasan niya ang mga luha ko at saka niya hinaplos ang buhok ko.
"It's okay, Princess."
"Hindi po okay 'yon. Ang sakit--"
"Sshh," putol niya sa akin. "Kung kayo talaga ang para sa isa't-isa, tadhana mismo ang maghahanap ng paraan para magkita kayo ulit."
Natahimik ako. Tama si Manang. Tapos na. nangyari na ang nangyari. Ipapaubaya ko nalang nga marahil sa tadhana. Hindi ko pwedeng pilitin na makipag-ayos sa kanya lalo na't nabigla siya.
"Sige na. Matulog ka na. 'Wag mo nang masyadong isipin 'yon," sabi ni Manang at iniwan na ako.
Naiwan akong mag-isa sa kwarto. Napabaling ako sa notebook ko. Yun ang notebook ko kung saan isinusulat ko ang mga salitang maaari kong ilapat sa kanta.
Kinuha ko 'yon at binuklat. Dito ka nalang ilalabas ang gusto kong iparating sa kanya.
-
A/N: Nasa mid-part na tayo ng story. Bilis no'? Comments please? :>
BINABASA MO ANG
The Magic In You [Completed]
ChickLitThis all about me and him.... and the magic. Collaboration with sarakasheee Wattpad Presents: April 13-17 on TV5 Book cover made by @minmaeloves