[50] Rehearsal

47.7K 1.5K 61
                                    

-Chapter 50- Rehearsal

Princess' POV

Kinabukasan, tumawag sa akin si Mr. Fortich para ipakita sa akin ang rehearsal ng song's launch ko na gaganapin na bukas. I was still distraught and upset. Kahit ngumiti man lang ay hindi ko magawa. Wala akong ganang makipag-usap pero pinipilit kong pakisamahan si Mr. Fortich ngayon. Ang mindset ko ay nakafocus lang dapat sa song's launch and forget about the rest.

"This is where the performance is going to be held at," sabi ni Mr. Fortich habang naglalakad kami sa loob pa rin ng Park. Sa parteng ito kadalasan na nagaganap ang mga events dito sa Disneyland. 

Inikot ko ang tingin ko sa paligid. Napakakulay at magarbo ng designs. Para talagang magical. Sinundan ko si Mr. Fortich hanggang sa makalapit sa dance troupe na nagsasayaw sa flatform. Dapat ay masaya ako dahil naririnig kong sinasayaw nila ang sarili kong composition pero hindi ko talaga kayang ngumiti. 

Mistulang naging tour guide si Mr. Fortich sa akin. He was  talking about the event for the entire time samantalang ako ay patingin-tingin at patango-tango nalang.

Sa gitna ng explanation ni Mr. Fortich, naramdaman ko ang malakas na pagvibrate ng phone na hawak-hawak ko. Pagtingin ko sa screen, nakita ko ang kaparehas na number na nagtext sa akin noon; ang dakilang player.

Diretso kong pinatay ang phone ko at napaismid nalang. Makapagpalit na nga ulit ng sim card. Buset.

"Would you like to suggest anything?" sabi ni Mr. Fortich kaya napatingala ako sa tindig niya.

Tumaas lang ang isang sulok ng labi ko at umiling lang. Nagpatuloy na ulit siya sa pagsasalita pagkatapos nun, samantalang ako, inilibot ko ang mga mata ko sa paligid.

Hindi ko alam kung bakit nangilid ang mga luha ko nang makita ang ngiti ni Basti sa paligid. Kahit saan ako lumingon; sa mga dancers, logistics, maintenance--- ngiti ni Basti ang nakikita ko.

Mabilis kong iniling ang ulo ko sabay punas sa mga mata ko para maalis ang nasa isip ko. Ano ba, Princess! Move on na!

"Ms. Princess, are you alright?" 

Napatingin ako kay Mr. Fortich at marahan kong tinango ang ulo ko. Gusto ko sanang magpaalam na pero nakakahiya. Besides, ang mindset ko ay nasa song's launch na.

"Well then. Let me take you to the rehearsal room."

***

Dinala ako ni Mr. Fortich sa rehearsal room kung saan nagpapractice ang mga singers. Naalala ko, dito ako dinala ni Manang Helen noon nung pinipilit niya akong mag-audition bilang performer.

Tumigil kami ni Mr. Fortich sa harapan ng grand piano. Nakahilera sa tapat nito ang apat na singers ng Disneyland. Pinakilala ako ni Mr. Fortich sa kanila. Nakakatuwa nga dahil isa sa kanila ay Pinay.

"Ms. Madrigal, listen to their rendition of your song and point out everything that you want to correct, okay?" sabi ni Mr. Fortich at tumango lang ako.

Nagsimula nang tumipa sa piano si Mr. Fortich. Smooth, gentle, passionate... Hindi ko alam na mas maganda rin pala sa piano ang tono ng kanta ko.

'I dream about you and me

Having sparkling eyes

Heart full of memories

In a wonderful place'

Bumaling ako sa mga singers. Nakakatuwa dahil binuhay nila ang kanta ko. Parang totoong prinsesa ang mga kumakanta.

'We're in a fairytale land

You're in my heart and in my mind

Living in a pretty castle

Together forever and ever'

Nakangiti silang lahat gaya ng masayang tono ng kanta. Marahan pa nga silang sumasayaw pero ako, nanatili lamang na nakatayo roon at pinapanuod sila.

'My whole new world

With fantastic view

Change because of you

I'm in a fairytale

Like a magical world 

That gives shine in my life'

Napapikit ako ng mariin. Sumagi na naman siya sa isip ko. Ang taong naging dahilan kung bakit ko nabuo ang kantang ito. 

"Whatever happens, I will always treasure the time I had with you for you are truly magical, and I feel privileged to have seen the magic in you, Princess."

'Cause there's magic in you

Magic that keeps me dreaming

and dreaming in you hmmm... hmmm..."

Nagmulat ako ng mga mata nang tumigil na ang tugtog, at tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko sa pisngi ko. 

"Ms. Madrigal, are you okay?" asked Mr. Fortich and I immediately wiped off my tears away. "Why are you crying?"

Nagtataka na rin ang mga singers na nakatingin din sa akin.

Huminga ako ng malalim at ngumiti nalang. "... It's very beautiful that it made me cry. Good job."

-

A/N: #TheMagicInYou hashtag please. :> Last chapter na ito. Epilogue na ang sunod. Baka bukas or sa Monday nalang ang update. Paghahandaan ko yun ng mabuti eh. :D Sana kung paano niyo sinupport ang TMIY sa wattpad, ganun din ang pagsuporta niyo kapag pinalabas na ito sa Wattpad Presents sa TV5. Ooppss, yes! Ipapalabas po ito. Further details in the epilogue. Thank you!

The Magic In You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon