[15] Humiliated and Devastated

48.4K 1.6K 44
                                    

-Chapter 15- Humiliated and Devastated

Basti's POV

Natulala ako sa sinabi ni Sasha. No, she can't break up with me. She just can't! I started to get more conscious when everyone started pointing fingers at me, talking about me even. Fvck, this is what I hate. I hate being the center of whatever!

Nag-walk si Sasha kaya sinundan ko siya. Hindi niya ako pwedeng hiwalayan. Kung kailan we're on our 8th month, saka pa siya nagkaganito? This is hella' insane!

"Sasha!"

I followed her pace until I reached her. I grabbed her arm but she never looked at me. "Sasha, let me explain!"

"You cheated on me, Basti!"

"No, I don't even know that girl!"

"Then, sino siya? Isang crazy Chinese girl na bigla nalang sumulpot out of nowhere? How cliche, Basti!"

I stepped infront of her and grabbed both of her hands. "Sasha, please, listen to me."

We were in the middle of the theme park. Maraming taong nagpapari't-parito. Maraming tao rin ang nakatingin sa amin.

"I don't wanna listen to your lies. I am breaking up with you, cheater," she hissed and walked out.

Naiwan akong nakatanga sa gitna ng daanan. Para akong nawalan ng lakas sa sinabi niya. Sasha just broke up with me because of a fvcking girl whom I do not even know.

"Sasha..."

This must be my karma. I've just been humiliated and is devastated.


Princess' POV

"Yipeee! Oha, Sam! Nakaganti rin ako! Odiba, ang saya?! Matatahimik na ang kalooban ko," sabay yugyog ko sa braso ni Sam.

I am very happy! Kitang-kita ng mga mata ko kung paano brineak nung babae si Basti. Tss. Nalungkot siya syempre, ganun na ganun din ang naramdaman ko noon!

"Hindi tama yung ginawa mo, Princess," sermon sa akin ni Sam habang naglalakad-lakad kami.

Tumaas ang kilay ko at napa-pout ako. "Sam, patas na kami. Pinahiya niya ako, pinahiya ko rin siya. Quits na!" Hinila ko ang braso niya. "At dahil matagumpay ang paghihiganti ko, tara, ililibre kita ng dinner!"

Pero nagmatigas si Sam. Hindi siya nagpahila. Nakatingin lang siya sa akin ng seryoso.

"Princess, hindi mo dapat ginawa 'yon. Dahil dyan sa ginawa mo, parehas lang kayo nung lalaking 'yon. Mas masahol ka pa nga e," sabi ni Sam na nagpabagsak ng panga ko.

Napaisip tuloy ako. Sumobra ba yung revenge ko kay Basti? Tama lang naman 'yon diba? Winalanghiya niya ako. Bagay lang 'yon sa kanya.

"Sam, 'wag mo namang kampihan si Basti."

"Hindi ko siya kinakampihan. Ang akin lang, mali yung ginawa mo. Nakakadisappoint ka, Princess," iiling-iling na sambit ni Sam bago ito lumakad palayo.

Argh! Tama nga siguro si Sam! Sumobra yata ako. Ay, hindi! Mali na naghiganti pa ako. "Ang childish mo, Princess!" mukmok ko habang naglalakad-lakad mag-isa sa park.

"Ayan, tuloy, iniwan ka ni Sam."

Huhu! Okay, my fault. Hindi na sana ako naghiganti. Naku naman! Nakakadisappoint nga ako. Grr!

Padabog akong naglakad-lakad sa loob ng theme park nang magsimula na 'yung fireworks display. Tumigil ako para manuod. As expected, napakaganda pa rin.

For some reason, napatingin ako sa harapan ko. Nakita ko si Basti na nag-iisang nanunuod ng fireworks. Malungkot siya. Sobrang lungkot. Mas lalo tuloy akong nakonsensya. Iniwanan na nga siya ng girlfriend niya!

"Kasalanan ko 'to e. Hayst, bahala na!" sabi ko sa sarili ko at lalapitan sana siya para i-comfort nang may mga grupo ng foreigners ang humarang sa daanan ko.

Sumingit ako pero huli na nang makitang wala na siya sa kinatatayuan niya kanina. Unti-unti nang nagsisialisan ang mga tao.

"Nasa'n na siya?" sabi ko habang nililibot ang tingin ko sa paligid.

Wala na siya. Napatingin ako sa relo ko. It's already 11PM. Gabing-gabi na pala. Magsasarado na ang Disneyland.

I sighed as I looked around the place again. "Sorry, Basti," I whispered in the air.


-

A/N: Shall update again later at 9PM! :D

The Magic In You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon