-Chapter 42- Welcome Back
Princess' POV
After three years, nakabalik na rin ako sa Pilipinas. Dapat ay masaya na ako dahil makikita ko na ang pamilya ko pero may parte sa akin na parang naiwan sa Hong Kong. I feel so incomplete.
"Kuya, para po sa may puting gate," instruct ko sa taxi driver. Hindi na ako nagpasundo sa airport dahil ayoko na silang abalahin. Makakauwi rin naman ako kahit hindi ako sunduin.
Huminto ang taxi sa tapat ng gate namin kaya naman inabot ko na ang bayad ko sa driver at lumabas na. Tinutulungan niya akong ibaba ang mga maleta ko nang may narinig akong sigaw mula sa loob ng bahay.
"Tita!!"
Lumingon ako at napangiti ng tipid nang makita ko ang pamangkin kong si Belle. Marahil ay narinig siya ng iba kaya nagsunuran silang lumabas.
"Belle."
She quickly ran and stepped out of the gate. Yumakap siya sa akin ng mahigpit. "Tita! Namiss po kita!"
"Namiss din kita, Belle. Ang laki mo na."
"Tita Princess!" sigaw naman nung isa pa. Nagsisunuran na ang mga kapatid ni Belle na sina Sonny at Tin-Tin. "Titaaaa!" ay nakiyakap pa sa akin.
"Ang lalaki niyo na."
Hindi ko alam na sa loob ng tatlong taong nahiwalay ako sa kanila ay malaki na ang pinagbago nila.
"Tita, tara na po!" yaya sa akin ni Sonny, ang 5 years old kong pamangkin, nang tuluyan nang naibaba ang mga gamit ko mula sa taxi.
"Wait lang. Yung mga maleta ko pa. Nandito pa naman ang mga pasalubong ko sa inyo," sabi ko nang nangingiti at sabay-sabay silang nagsigawan.
"Waaah! May pasalubong tayo!"
"Barbie! Barbie!"
"Tita, sa akin po robot diba?"
Bago ko pa sila masagot ay may narinig na naman akong tili mula sa loob ng bahay. "PRINCEEEESS!! Girl!!!"
Napairap nalang ako sa hangin habang nakangiti. That voice. Syempre, hindi ko pwedeng makalimutan ang bestfriend ko. Bago pa man ako lumingon ay sinunggaban niya na agad ako at inipit na sa yakap niya.
"Fishtea! Ang ganda mo na!!" At nagtatatalon pa habang yakap-yakap ako. "Namiss kita, girl!"
Hindi ako makahinga. "Mae--"
"Ay, sorry! Tara na sa loob. Hinihintay ka na ni Tito Eli," sabi niya at nakitulong na rin sa pagbitbit ng mga maleta ko. "Ako nang bahala dito. Pumasok ka na, girl."

BINABASA MO ANG
The Magic In You [Completed]
ChickLitThis all about me and him.... and the magic. Collaboration with sarakasheee Wattpad Presents: April 13-17 on TV5 Book cover made by @minmaeloves