-Chapter 33- Fireworks
Princess' POV
Natutuwa ako dahil bumabalik na yung pinagsamahan namin ni Basti. Joke! Akala mo naman ang lalim talaga ng pinagsamahan. Eh every summer lang naman kami pinagtatagpo ni Basti. What I mean is, bumabalik na yung dating treatment niya sa akin. Nag-uusap kami at nagkakabiruan na. Kung minsan nga ay todo effort pa kami sa role playing namin bilang parents kuno ni Darren.
Ang sarap lang sa feeling dahil nag-open up siya sa akin kanina. Ibig sabihin no'n ay kumportable na siya sa akin and at the same time ay pinagkakatiwalaan niya ako.
Yieee. Ganda points!
"Mom looks very cute in that headband. She looks like Minnie Mouse!" komento ni Darren habang naglalakad kami sa park. Natrip-an kasi ako nila Darren at Basti kaya binilhan nila ako ng headband kanina na may tenga ni Minnie Mouse. Ayan tuloy, ang cute ko raw. Hihi.
"Mukha ka raw daga, Princess."
Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Basti. Whut? Ako, mukhang daga?
"Wala naman siyang sinabing ganun. Darren, may sinabi ka ba?"
Nag-innocent look lang sa akin ang bata saka siya tumingin kay Basti. Nahalata kong sinesenyasan niya si Darren na umoo.
"Basti, kung ano-anong tinuturo mo kay Darren," sabi ko tapos hinawakan ko ang ulo ni Darren. "'Wag mong pansinin si Daddy mo. Hindi natin yan bati."
"Sabi niya, kamukha mo raw si Minnie Mouse. Eh diba daga 'yon? Edi mukha kang daga," natatawang sagot niya sa akin.
Hinampas ko nga sa braso. "Itong mukhang 'to, mukhang daga? Oh, c'mon, Basti! Kung mag-o-audition nga ako bilang Disney Princess dito, makakapasa ako e! Dahil mukha akong prinsesa," sabay flip hair with wind effect pa.
"Oh, bakit hindi ka mag-audition?"
"Wala pa kasing slot."
"Tss," ayan na naman yung ngisi niya habang natatawa. "Ang sabihin mo, hindi ka pwede dun. 'Yang mukhang 'yan?"--- pinisil niya ang pisngi ko! Aray ha!
"Basti!"
"Tapos 'yang ganyang katawan?"
Inirapan ko nga. Ang lakas mang-asar!
"Princess, as far as I know, Disney Princesses are sexy. Hindi yung parang laging nag-eextra rice."
Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Pigilan niyo ako! Papatumbahin ko 'to!
"Hindi ako---"
"Mommy, Daddy, stop arguing please," singit ni Darren sa amin. My face smoothen as I looked to him. Naka-pout siya. Halatang pagod na.
Narinig kong natawa si Basti kaya sinamaan ko siya ng tingin, then he mouthed 'pikon' at me. Inirapan ko siya at akmang hahampasin sa braso pero...
"Darren oh! Inaaway ako ng Mommy mo oh," sabay turo niya sa akin. Edi wow!
"Mom, stop it, please."
Bumuga nalang ako sa hangin at umiwas ng tingin. Mataba na ba talaga ako? Hindi naman e. Oo na, nag-eextra rice ako pero... WAAAH! Bwisit na Basti na 'to!
Pagkatingin ko kay Basti, wala na siya sa pwesto niya. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid, pero wala siya.
"Darren, where's Basti?" tanong ko sa kanya.
He looked up at me, still holding my hand. Nasa tapat kami ng Sleeping Beauty's castle, right infront of the fountain.
"He said he'll buy us something to drink."
Tumingin ako sa relo ko. 5 minutes before 9PM na. In 5 minutes, magsisimula na ang fireworks display. Nagsisimula na ring pumwesto ang mga tao, naghahanap ng magandang spot for fireworks display viewing.
"Ang tagal ni Basti. Mag-sstart na ang fireworks display," bulong ko sa sarili ko habang inililibot ang tingin sa paligid.
As the clock ticked to 9PM, the fireworks appeared in the skies. As if on cue, may tumabi sa akin at inabutan ako ng kape.
He smiled to me and before I could react, he stepped beside Darren and then carried him in his arms.
Habang patuloy ang fireworks display, kinuha ko na yung chance na sulyapan sina Basti at Darren. Ang cute nilang tignan. Parang mag-ama. Though, they're not father and son, nakakatuwa lang isipin na mahilig sa bata si Basti. He even is concerned about his nephew's welfare.
Bigla siyang tumingin sa akin kaya mabilis akong tumingin sa ulap habang humihigop sa kape ko. Kunwari, patay-malisya. Nakakahiya! Nahuli niya akong nakatingin sa kanya.
Pero teka...
Saglit akong nanlamig nang maramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko. Pasimple kong tinignan ang mga kamay namin.
Oh my!
Kumagat ako sa ibabang labi ko nang maramdaman ko ang paghigpit ng kapit niya sa kamay ko, with matching pisil pa.
Pagtingin ko sa kanya, may maliit na ngiting nakasibol sa mga labi niya habang nanunuod ng fireworks display sa kalangitan.
... Ladies and gentleman, sumabog na din po ang fireworks sa dibdib ko. Kyaaaah!!
BINABASA MO ANG
The Magic In You [Completed]
ChickLitThis all about me and him.... and the magic. Collaboration with sarakasheee Wattpad Presents: April 13-17 on TV5 Book cover made by @minmaeloves