-Chapter 46- Could It Be Him?
Princess' POV
"LATE NA AKOOOO!!"
Kumaripas ako ng takbo sa harap ng cabinet ko para hanapin ang uniform ko pero kung minamalas ka nga naman--- hindi ko pa mahanap!
"Nasaan ka na ba?!" Nahihilo na ako sa kakahanap ng uniform ko. Hindi pwedeng hindi ako mag-uniform. Ang pormal pa naman ng coffeeshop na pinagtatrabahuan ko.
Speaking of, yes, nagtatrabaho ako ngayon sa isang cofeeshop na pagmamay-ari ng asawa ni Kuya Wayne. Bale, ako yung nagsisilbing assistant manager dun at sa awa ng Diyos ay 6 months na rin akong nandito. Kaunting kembot nalang at mapopromote na ako bilang head manager dun, pero mukhang madidiskaril pa yata dahil late na ako!!
Tumingin ako sa wall clock. Oh my ghed! 7:20 na. 7AM pa naman ang shift ko ngayon tapos babyahe pa ako. Kamusta naman 'yon, Princess!?
"Ugh!!!" naiiritang daing ko. Napansin ko na nasa ibabaw lang pala ng kikay table ko yung uniform ko at hindi pa napaplantsa. Whatta?!
"Bakit ba kasi ako nagpuyat kagabi e'!" Kinuha ko yung uniform at ipinatong dun sa patungan ng pagpaplantsahan. Nakababad kasi ako sa internet kagabi. Stalker mode ang peg ko e. Hayy! Ayan tuloy.
Pagkatapos kong plantsahin ang uniform ko, dali-dali kong sinuot na iyon kahit mainit pa. Bahala na kung pagpawisan. Inayos ko na rin ang buhok ko nang biglang tumunog ng pagkalakas-lakas ang telpad ko.
"Naku, baka si Ate na 'yan," bulong ko sa sarili ko. I am referring to my sister in law. Mabait naman yun kaya nga nakakahiya kung magkamali ako. Ayokong abusuhin ang kabaitan niya.
Habang nagpupulbo ay lumapit ako sa telepad at sinagot na yung tawag. Huminga muna ako ng malalim bago... "Hello?"
"Hello, good morning."
Natigilan ako saglit. Teka, foreigner accent! Hindi si Ate 'to. Lalaking-lalaki ang boses eh. "Y-yes?"
"I am looking for Ms. Princess Madrigal."
Lumunok ako. Natense tuloy ako bigla. "Yes, it's me."
"Oh, hi there. This is Mr. Fortich. Do you still remember me?"
Napatakip ako sa bibig ko. Namanhid bigla ang pisngi ko. Ohmayghad! The great Mr. Fortich?! "... Oh yes. How could I forget you, Sir? You're the musical director of Disneyland, aren't you?"
Narinig ko yung mahinang pagtawa niya sa kabilang linya saka siya tumikhim. "Yes, I am. Anyway, I called to say that somebody sent me of your song and I like it very much. If you'd allow me, I want to use it for one of our plugs here in Disneyland."
Nanlaki ang mga mata ko. Shems! Nanghina ang mga tuhod ko kaya nama bumagsak ako paupo sa kama. Teka! Teka! Yung puso ko nagwawala!!
BINABASA MO ANG
The Magic In You [Completed]
ChickLitThis all about me and him.... and the magic. Collaboration with sarakasheee Wattpad Presents: April 13-17 on TV5 Book cover made by @minmaeloves