[35] Bibbidi Bobbidi Boutique

44.5K 1.7K 244
                                    

-Chapter 34- Bibbidi Bobbidi Boutique

Princess' POV

Isang Linggo na ang nakakalipas nung nag-family date kuno kami ni Basti with Darren. Since that day, lagi na kaming in-touch ni Basti sa isa't-isa. Well, not in person though. Minsan nagkaka-chat o nagtetext kami. Minsan naman ay tumatawag siya. Palagi tuloy buo ang araw.

#MedyoMaharotPrincess

Oh well, ganun talaga. Ganun naman talaga siguro kung gusto mo talaga yung tao. Kaunting kyeme lang niya, kinikilig ka na. Ganitong-ganito ako dati kay Charles e, yung palaka kong ex. Kilig-kilig, patweetums effect.

Speaking of, hindi na nga talaga nagparamdam sa akin si Charles, pero balita ko kay Mae ay nasa Pinas na raw 'yon. Well, wala na rin naman akong care sa kanya. Bahala siya dun. Basta ako, masaya lang!

Anyway, nasa tapat ako ng Bibbidi Bobbidi Boutique ngayon dito pa rin sa Disneyland Park. Shift ko kasi ngayon bilang usher at ngayon ay nasa loob ng boutique ang mga bata. Feel na feel nila ang transformation nila into princesses.

Habang naghihintay ako sa labas, naramdaman kong nagvibrate ang phone ko sa loob ng bulsa ng pants ko. Nilabas ko ito at chineck. Si Basti, tumatawag!

Tumikhim mua ako bago sagutin ang tawag. Wagas pa ang ngiti ko. Kenekeleg eh.

"Hello, Basti?"

"Hey, turn around."

"Ha?"

"Just do it."

Umikot naman ako, at tila tumalon ang puso ko mula sa dibdib ko nang makita siya. Yay! Ganito yung mga napapanuod ko sa mga teleserye eh! OMG!

"U-uy!" Patay-malisya lang.

Lumapit siya sa akin nang nakangiti. "Hi, Princess. Shift mo ngayon sa trabaho?"

Tumango nalang ako habang nakangiti rin. Bakit? Yayayain ba niya akong mamasyal ngayon? Yieee.

"Ahh... Namamasyal-masyal kasi ako ngayon. Boring sa hotel eh. Anong attraction 'yan?" tanong niya habang nakatingin sa boutique.

"Bibbidi Bobbidi Boutique..."

"Anong meron dyan?"

"Gusto mong malaman? Tara sa loob," sabay hila ko sa kanya papasok ng boutique.

On-going pa rin yung pagtatransform sa mga kids bilang princesses. Yung mga parents nila, proud na proud na nakaantabay sila. Ang kucute ba naman eh!

"Ito yung pinakafavorite kong attraction dito sa Disneyland. Alam mo na, ginagawa nilang posible na maging princess ang bata kahit just for a day e. Pangarap ko pa naman maging princess," sabi ko, with dreamy-eyes.

The Magic In You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon