[20] Princess' Rules

48.8K 1.6K 57
                                    

-Chapter 20- Princess' Rules

Princess' POV

Maaga akong nagising kinabukasan. Syempre nag-ayos ako ng sarili at siniguradong mukha akong presentable sa harap ni Basti. Hindi naman sa nacoconscious ako, ano lang, well, baka kasi pagtrip-an niya ang itsura ko. Mukha pa naman siyang alaskador!

"Mag-iingat ka, Princess huh?" bilin sa akin ni Manang Helen no'ng makita niya akong itinitirintas ang buhok ko na katulad ng kay Elsa ng Frozen.

"Sige po."

10AM ang usapan namin ni Basti. Kaya 10AM akong umalis ng quarters para pumunta sa Disneyland Hotel. Mouhaha! Bahala siyang magalit dyan. Ako pa talaga ang magsusundo sa kanya sa hotel huh? How gentleman, diba?

Dun ako sa lobby sana maghihintay pero hindi pa man lumalapat ang pwet ko sa sofa ay sumulupot na siya sa harapan ko.

"Why are you late?"

Edi wow. Strict ang peg?

"Kailangan ko bang mag-ex--"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil tinalikuran niya na ako. "Let's go."

Nalukot tuloy ang mukha ko. Tinaas ko nga yung kamao ko para sana ay kunwaring susuntukin siya nang bigla siyang humarap sa akin kaya binaba ko rin agad. Argh!

"Tara na," sabi niya.

"Oo na. Ay, teka!"

Kumunot ang noo niya. Kagabi ko pa 'to naisip e. Kailangan ko 'tong gawin para sa kaligtasan ko.

"Bago ako sumama sa'yo, gusto kong mag-set ng rules."

"Rules?"

Tumango-tango ako. Ang tagal kong pinag-isipan 'to! Muntikan ko na ngang ipasa ito sa Sandigang Bayan sa Pinas. "No touching, no hugging, no pa-'cute moments', at syempre kung may no hugging, may no kissing din!"

He shot me the look. Yung tinging nagsasabing; baliw ka ba?

"Makatingin ka dyan!" saway ko sa kanya. "Plus no videos and no selfies, okay?!" Mahirap na. Baka matrip-an niya na naman akong videohan o piktyuran.

Ngumiti lang siya ng nakakaloko saka siya umiling. Kailangan ko nang masanay, mukhang loko-loko naman kasi talaga siya.

"We don't need such rules. I only want to walk around Disneyland with someone and not definitely be your boyfriend. Asa ka pa."

Aba! Bibingo na talaga 'to sa akin! Assumero!

The Magic In You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon