-Chapter 16- Ang Payo Ni Manang
Princess' POV
Sobrang bilis ng panahon. Ang dami nang nagbago. Sa katunayan, isa na akong chambermaid sa Disneyland hotel after 2 years of being here in HK. Yes, dalawang taon na ako nandito. Syempre, ginawa ko talaga ang lahat para makapagtrabaho dito sa loob ng Disneyland. Though, hindi mismo sa Disneyland themepark. At least, nasa hotel na ako ngayon at konektado na sa course na kinuha ko. Oha! Unti-unti nang natutupad ang mga pangarap kong maging parte ng Disneyland!
"Ang ganda mo talaga, Princess!" sabi ko sa sariling repleksyon ko sa salamin. Nakasuot ako ngayon ng uniform namin. Cute nga e'! Chambermaid outfit.
Napatingin ako sa wall clock. Oras na para magtrabaho! Kaya naman energetic akong lumabas ng banyo at dumiretso sa lobby. Nandun na lahat ng mga ka-workmates ko!
Kung noon ay si Sam lang ang friend ko, ngayon ay medyo nadagdagan na ang friends kong Pilipino since puro mga Pilipino kaming nagtatrabaho sa hotel na ito.
Anyway, speaking of Sam, paminsan-minsan nalang kaming magkita simula nang lumipat ako ng trabaho. Busy na rin kasi siya sa work niya.
Along the lobby, nakita ko si Manang Helen na chinicheck ang bawat ginagawa namin kaya naman ngumiti ako at nilapitan siya.
"Good morning, Manang Helen!"
Tumingin siya sa akin at ngumiti pabalik. "Magandang umaga rin, Princess. Tara, dun tayo sa 4th floor."
Sumama ako sa kanya sa 4th floor. Syempre chika mode ako. Sobrang kumportable ako kay Manang Helen dahil kahit na siya ang head chambermaid dito sa hotel, siya rin ang tinuturing na nanay-nanayan namin dito. Sobrang bait niya kaya nga close siya ng karamihan e.
"Maglinis tayo ng kwarto," sabi ni Manang Helen habang naglalakad kami sa hallway.
"Okay po!"
"Hyper ah."
"Syempre naman po."
Humagihik ako, at ngumiti lang siya. Bawat chambermaid na madadaanan namin ay nginingitian niya at dahil bago lang ako dito ay isa-isa niya akong pinakilala sa bawat madadaanan namin.
"'Yun si Rose. 5 years nang nagtatrabaho rito. Dito na rin siya nakapag-asawa," sabi ni Manang pagkaraan namin dun sa Rose.
"Wow. Nahanap niya na ang happily ever after niya."
"Marami nang nagtatrabaho rito na nakapag-asawa na rin dito sa Hong Kong. Yung iba, puro trabaho lang naman ang inaatupag."
"Eh kayo po?"
Nilingon niya ako at ngumiti ng tipid. "Ako? Wala. Nagtatrabaho lang ako rito. Iniwan ko ang pamilya ko sa Pinas para buhayin sila."
"Ilan na po ang anak mo?" Syempre, chismosa ako. Joke, curious lang.
"Dalawa. 'Yung bunso ko, nag-aaral para maging mabuting dancer. Pangarap niya kasing maging parte ng Disney."
Nagningning ang mga mata ko sa sinabi ni Manang. Kyaa! Mukhang parehas kami ng anak niya.
"Ako rin po! Pangarap ko rin po 'yon."
"Oh eh parte ka na ngayon ng Disney."
Napanguso ako at napadreamy eyes. "Gusto ko po yung mismong parte ng Disneyland. Kaso mukhang imposible," malungkot na tugon ko.
Huminto siya at hinarap ako, saka niya pinat ang balikat ko. “Alam mo, lahat tayo may natatagong ginto sa loob natin…kailangan lang nating tuklasin.” Ngumiti siya sa akin pagkatapos. "'Yan ang palaging payo ko sa anak ko."
Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay pumasok na si Manang sa isang kwarto. Parang namesmerize yata ako sa sinabi ni Manang Helen. Tama siya!
"May ginto sa puso ko," sabay sapo ko sa kaliwag dibdib ko. "Haayy, makapagtrabaho na nga!"
Napatingin ako sa kaliwa ko. Half-open ang pinto ng hotel suite na iyon. Nakita ko pang nasa sahig ang sign ng pinto kaya pinulot ko iyon at kinabit muli sa pinto.
"Dito nalang ako maglilinis," sabi ko at pumasok na sa kwarto.
Light ang mood ko habang naglilinis. Napaisip din kasi ako sa sinabi ni Manang Helen. 'Alam mo, lahat tayo may natatagong ginto sa loob natin…kailangan lang nating tuklasin.'
"Maganda siguro kung gagawin kong lyrics ng kanta 'yon. Ang deep e," bulong ko sa sarili ko at napa-hum nalang ako habang nagpupulot ng kung ano-ano. "Hmmm... Hmmm..."
Natigilan ako nang makita ang isang pakete ng biscuit sa sofa. "Wow, Pilipino siguro ang nakacheck in dito?"
Isang pakete ng biscuit na alam kong gawa pa sa Pinas. Namiss ko tuloy bigla ang Pinas!
Kumalabog ang dibdib ko nang marinig ko ang pagbukas ng pinto mula sa banyo. Teka! May tao rito?
"Halaaaa..."
Hindi ko alam kung saan ako magtatago. Lagot ako nito kapag naabutan niya ako rito!
-
A/N: Told ya, may fastforward ulit. Bukas ulit, pips! Hell week is fast approaching! >.<
BINABASA MO ANG
The Magic In You [Completed]
ChickLitThis all about me and him.... and the magic. Collaboration with sarakasheee Wattpad Presents: April 13-17 on TV5 Book cover made by @minmaeloves