-Chapter 10- HOMESICK
Princess' POV
After 1 year...
"Princess!"
"Wait lang."
Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Nasa loob ako ng kwarto ko ngayon para magbihis. Day off ko ngayon sa trabaho kaya free akong maglakwatsa. Yipee!
Sunod-sunod na katok na naman sa pinto ang halos magpatalon sa akin sa gulat. Kaloka naman 'tong si Sam. Excited? "Matagal ka pa ba dyan? 20 minutes ka na dyan sa loob."
"Oo. Eto na," sabi ko pero joke lang 'yon. Syempre naglagay muna ako ng pulbo sa mukha. Eto na nga lang ang pampaarts ko tapos hahadlangan pa niya?
"Princess, nalunod ka na ba dyan?"
Natawa lang ako sa pagiging impatient ni Sam kaya naman kinuha ko na yung bag ko at lumabas na ng comfort room. And as usual, bumungad sa akin ang nakasimangot na mukha ni Sam, ang katrabaho ko sa mini grocery shop kung saan ako nagtatrabaho bilag shop assistant. Ang bongga no'? Graduate ako ng Associate in HRM tapos dito ang bagsak ko. Hihi.
"Sorry naman. Excited ka ba, Sam?"
He just grinned like a fool and then shook his head. Kahit impatient si Sam, napaka-nice guy naman niya. Kaya nga, siya ang tinuturing kong bestfriend dito sa Hong Kong, at hindi lang bestfriend, may instant kuya pa ako.
"So, tara na?"
Ngumiti ako ng malawak saka tumango. "Let's go," tugon ko sa kanya.
Lumabas kami ng apartment ko side by side. Dahil one year na ako dito sa Hong Kong, kinailangan kong tumira sa apartment na malapit sa shop na pinagtatrabahuan ko. Actually, si Sam ang tumulong sa akin na maghanap ng matutuluyan since kaibigan niya ang may-ari no'n.
And speaking of, hindi lang mabait si Sam kundi good-looking guy pa. Kaya nga ngayong day-off namin, pinilit ko siyang samahan ako sa Disneyland (yeah, for the nth time!) at libre niya! Yay! O' diba, nice na nice?
***
Disneyland...
Kahit nakailang beses na akong pumunta dito, hindi pa rin nawawala sa akin ang impact ng lugar na ito. Kahit nga ngayon na nandito na naman ako, hindi pa rin nawawala ang excitement ko. Most favorite place ko talaga ito!
"Uy, Sam. Thanks pala sa libre huh?" sabi ko sa kanya habang naglalakad kami papasok sa Disneyland. Sa ngayon ay patanaw-tanaw muna kami sa mga rides. Mamaya nalang siguro kami magta-try. Mahaba pa naman ang oras.
"Wala 'yon. Lagi mo naman ako nililibre ng pagkain e."
BINABASA MO ANG
The Magic In You [Completed]
ChickLitThis all about me and him.... and the magic. Collaboration with sarakasheee Wattpad Presents: April 13-17 on TV5 Book cover made by @minmaeloves