[22] Dreamy

54K 1.6K 46
                                    

-Chapter 22- Dreamy

Basti's POV

I didn't expect that touring Disneyland with Princess would be this fun. Sa isang iglap lang, pakiramdam ko, kumportable na ako sa kanya. Sa isang iglap lang, pakiramdam ko, matagal ko na siyang kilala. Well yeah, maybe I knew her 2 years ago but I didn't have any idea that Princess is very nice. I thought, she's just an annoying girl who blabbers a lot about her craze. Mali pala ako.

Huminto na ang Carousel kaya naman bumaba na ako sa sinasakyan ko. I noticed that Princess was dreamy-eyed and still seated absent-mindedly.

"Hey, Princess," I snapped my fingers before her face and she blinked twice before she got back in her senses.

"Ay, tapos na pala."

Bababa na sana siya nang alalayan ko siya. I was expecting that she'll thank me for assisting her but she just turned her back on me and left.

Hinabol ko siya at sinabayan siya sa paglalakad. Napansin kong dreamy-eyed pa rin siya at tulala habang naglalakad.

"Baka madapa ka. Wala ka sa sarili," sabi ko sa kanya.

She flashed to me her sweet smile and giggled afterwards. Should I tell her that she disobey one of her rules? Akala ko ba walang pa-cute moments. Now, Basti, you just thought that this girl is cute. Fine, she is.

"Alam mo ba, Basti, ito ang pinakamasayang lugar sa buong mundo?" 

I shrugged my shoulders as my answer. I know that for sure but that wouldn't apply for me. 

"Pangarap ko talagang maging parte ng Disneyland. Nung nasa Pinas pa lang ako, lagi na akong nanunuod sa Youtube ng mga videos featuring ang Disneyland." She paused and then stepped infront of me. Napatigil tuloy ako sa paglalakad. "Kaya nga natakot ako nung isusumbong mo ako sa Hotel Management. Kaunting kembot nalang o'! Malapit na akong maging part ng Disneyland."

"Ano namang gusto mong maging trabaho dito?" I asked, playing along with her craze.

"Hmm, kahit maging back-up dancer ng mga Princess sa parade o 'di kaya'y maging Princess mismo! O diba, bongga?"

Umatras ako para titigan siya. Pang-asar lang. "Well, not bad. Pwede ka nang mag-apply bilang masscot ni Minnie Mouse."

Hinampas niya ako sa braso kaya natawa nalang ako. "Ang sama mo talaga, Basti!"

"Mangangarap ka nalang kasi, yung ganito pa. Wala ka na bang ibang pangarap? Bakit ito pang Disneyland?"

She folded her arms across her chest and acted as though she's thinking. "Eh kasi naman, tuwing nandito ako sa Disneyland, nakakalimutan ko ang tunay na mundo-- yung magulong mundo."

Humarap siya sa akin at saka siya ngumiti ng malawak.

The Magic In You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon